Lahat talaga mahihirapan sa umpisa lalo na kung first time mo itong ginagamit. Wala naman atang estudyante na pagpasok palang sa paaralan ay nagiging guro na ito. Siguro kilala nyo ang katagang "NO PAIN NO GAIN". Ang lahat na bagay ay pwedeng pag-aralan. Learning is a continues process kaya huwag tayong magreklamo dahil pinahirapan tayo lalo na kung ang layunin nito ay kaginhawaan ng bawat membro sa gropo. Pero sa totoo lang mahirap lang siyang tingnan pero kung gagawin mo at pag-aralan, napakadali nalang sa mga susunod na buwan.
Karamihan ay naninibago sa bagong proseso, expected na talaga namin ito. Hindi lahat tech savy ika nga, pero marami naman satin ang willing magturo para lahat ay may alam. Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para mapagaan ang trabaho ng bawat isa. Hindi lang isa ang nakikinabang sa FB rental na ito, kaya dapat ang bawat isa ay magtutulongan para sa ikagiginhawa ng lahat.
Sa ngayon lang natin ito mararanasan dahil first time nating gagamitin ang spreadsheet. Isipin nating mabuti ang maganda idudulot nito para sa ating lahat. Sa susunod na buwan, hindi na kayo gagawa uli ng bagong spreadsheet. Update nalang ang exisiting spreadsheet na ginawa nyo ngayon. Kung dinagdagan nyo ang ang inyong leads, idagdag nyo nalang ito sa inyong spreadsheet.
Mas madaling hanapin ang mag detalye sa bawat lead sa ating spreadsheet compared kung gagawin pa rin natin yong makalumang estelo ng reporting. Maaaring magaan sa inyo pero dapat iisipin din natin yong kumukuha ng report natin sa SKYPE GC. Hindi biro ang pagkuha sa paisa-isang post nyo sa GC, mauubos ang oras namin sa pag copy-paste. Anong mangyayari kung dumadami na tayo, wala na kaming ibang magagawa kung uubusin oras namin sa paghahanap ng mga individual leads details sa GC.
Lahat ng pagbabago ay mahirap. Pero hindi yan rason na mananatili tayo sa kung ano ang nakaugalian na natin noon. We should look forward sa hinaharap, ang magandang maidudulot nito sa bawat isa hindi lang sa members, pati na din sa mga nag assist at ng mga VAs natin.
Anyway, babalik na tayo sa reporting. Pagkatapos nyong napanood ang video kung papaano gagawin ang spreadsheets, oras na para i-submit sa amin ang inyong report. Hindi na kailangan pang mag SCREENSHOT. All you have to do ay i-SHARE sa aming ang inyong mga SPREADHSHEET para ma-view at makuha ang mga detalye sa loob. Make sure na, REAL NAME or same name sa MAIN LEADS ninyo ang ilagay sa CREATOR ng spreadsheet. Kasi yong mga MAIN LEADS nyo lang ang mga kilala namin.
Paano gagawin ang pagSHARE ng inyong SPREADSHEET sa amin? Sa itaas bandang kanan ng inyong spreadsheet, makikita nyo ang SHARE. Just click that button at i-enter ang email address na ito: charmpurado@gmail.com
0 Comments