Maraming bagay na dapat nating konsiderahin para tayo ay mabago at umangat ang ating buhay. Hindi madali pero kakayanin! Kung kinaya ng karamihan, walang rason na hindi natin ito kakayanin para sa ating kinabukasan at sa pamilya natin. Lagi nating tandaan na basta positibo tayo, makakamit natin magandang resulta nito.
Kung porsigido ka talaga na umangat, ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat iwasan para siguradong ikaw ay magtagumpay.
𝗟𝗮𝗯𝗶𝗻𝘁𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗺𝗼𝗻𝗴 𝗶𝘄𝗮𝘀𝗮𝗻.
1. Huwag mong sayangin ang oras mo kaka-awa sa sarili.
2. Huwag mong hayaang ibang tao ang kumontrol ng buhay mo.
3. Huwag kang mag-alinlangan sa pagbabago.
4. Huwag mong ituon ang atensyon mo sa mga bagay na wala kang kontrol.
5. Huwag mong problemahin kung magugustuhan ka ng ibang tao.
6. Huwag kang matakot sumubok ng mga bagay kahit may tsansa kang hindi mag-tagumpay.
7. Huwag kang mamuhay sa nakaraan.
8. Huwag kang gumawa ng parehong pagkakamali.
9. Huwag kang mainggit sa tagumpay ng iba.
10. Huwag kang sumuko pagkatapos mong mabigo nang isang beses.
11. Huwag kang matakot mag-isa.
12. Huwag mong isipin na may utang sa’yo ang mundo.
13. Huwag kang mainip sa magandang resulta.
Huwag mong sayangin ang oras mo kaka-awa sa sarili.
Ang pagkaawa sa sarili ay magdudulot sa iyo ng negatibong pananaw sa buhay. Tulad nalang sa isang pagiging professional. Mayrong mga ginagawa natin na iisipin natin na bakit ko ito ginagawa, nagtapos ako ng nurse, engineer o titser pero nagbibinta lang ako ng juice. Baka pwede mo rin itanong sa sarili mo, yayaman ba ako sa pagiging nurse ko or pagiging engineer ko? Huwag mong kaawaan ang sarili mo para magtagumpay ka.
Huwag mong hayaang ibang tao ang kumontrol ng buhay mo.
Sa mundo natin, marami ang mga taong mahilig makialam sa mga pinaggagawa natin. Mas marami pa silang alam kay sa sayo. Hangga't nakikinig ka sa kanila, patuloy ka nilang pakialaman. Kaya kung gusto mong umangat hindi mo kailangan ang opinyon ng iba para sila ang magdikta sayo kung ano ang gagawin mo.
Huwag kang mag-alinlangan sa pagbabago.
May kanya-kanya tayong way of growing-up kaya may kanya-kanya din tayong mga pananaw sa buhay at syempre mayron din tayong iba't-ibang ugali. Ang mga nagtagumpay sa kahit ano mang larangan sa buhay ay halos pareho lang ang kanilang mga ugali. Kaya para magtagumpay ka rin tulad nila, kailangan mong sundin ang mga ugali nila. Huwag magdalawang isip na baguhin mo ang iyong sarili para magtagumpay ka rin tulad nila.
Huwag mong ituon ang atensyon mo sa mga bagay na wala kang kontrol.
May mga bagay na wala kang kakayahang kontrolahin. Pero marami sa atin ang pinagtutuonan ito ng pansin. Gaya nalang ng kalikasan at panahon. Yong mga bagay na ang Diyos lang ang may control, huwag na nating subukan pang kontrolahin.
Huwag mong problemahin kung magugustuhan ka ng ibang tao.
Napaka-concern natin kung ano ang sasabihin ng iba. Gusto nating magpa-impress sa ibang tao. Gusto natin na palagi silang mayrong magandang sasabihin sa atin. Dahil sa kagustuhan natin na mapa-impress sila, marami sa atin ang nabaon sa utang at naghihirap na ng tuluyan.
Huwag kang matakot sumubok ng mga bagay kahit may tsansa kang hindi mag-tagumpay.
Lahat ng mga bagay na pinapasok natin ay parang sugal. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa unahan. Sinong nakakaalam na mag-succeed yong relasyon nyo bilang girlfriend at boyfriend? Sinong nakakaalam kung magtagumpay kayo sa inyong pag-aasawa? Natakot kabang magkarelasyon dahil hindi mo alam kung mag-succeed ito? Diba hindi ka naman natakot kahit wala kang kasiguruhan? Ganyan din ang pagpasok natin mga bagay alam natin kung magtagumpay ka, tiyak kaginhawaan sa iyong buhay ang dulot nito sa hinaharap.
Huwag kang mamuhay sa nakaraan.
Forget your past. Tapos nayon at iba na naman ang kahaharapin mong challenges ngayon at bukas. Your past is part of your learnings. Ang masamang nangyayari sa iyo nong nakaraan ay magiging gabay mo para huwag ng ulitin yon. Learn to move on at kalimutan ang nakaraan. Past is past ika nga!
Huwag kang gumawa ng parehong pagkakamali.
Nagkamali kana dati, kaya wala ng rason na magkamali kana naman uli. Alam mo na kung anong resulta sa iyong pagkakamali at siguradong hindi ito magdudulot sa iyo ng kaginhawaan. Bakit mo pa uulitin? Gusto mo bang magdurusa uli?
Huwag kang mainggit sa tagumpay ng iba.
Hindi ka dapat mainngit sa tagumpay ng iba. Instead, be happy on at celebrate with them. Say congratulations sa taong nagtagumpay. Huwag kang maiinggit sa kanila. Kumustahin mo ang iyong sarili, baka mayron kang hindi pa nagawa kaya hindi mo pa nakuha ang mga bagay na nakuha na nila.
Huwag kang sumuko pagkatapos mong mabigo nang isang beses.
Ang pagkabigo ay hindi dahil upang tuloyan ka ng sumuko. Normal lang na mabigo pero huwag ka agad sumuko. Gawing gabay ang pagkakamali na nagawa mo. Learn from your mistakes. Iwasan ang mga bagay na nagpapabigo sa iyo. Try and try until you succeed. Make an improvement sa mga bagay na kailangan mo i-improve.
Huwag kang matakot mag-isa.
Hindi kailangan may partner ka para magtagumpay ka. Mas madali mong magawa ang mga bagay lalo na pagdating sa decision making na mag-isa ka lang. Ang pagkakaroon ng partner ay nakakatulong pero kung umaasa ka sa kanya, paano kung wala na siya -susuko kana rin ba? Halimbawa nag failed ang marriage mo, hihinto naba ang buhay mo? Syempre hindi. Tuloy pa rin naman ang buhay kahit wala na ang partner mo. Sa umpisa mahirap pero kakayanin mo kung magporsige ka.
Huwag mong isipin na may utang sa’yo ang mundo.
Huwag kang kampante sa sarili na kahit hindi ka gumagalaw, may mangyayari sayong maganda na parang may utang sa iyo ang mundo at magbabayad ito sa iyo anytime na gugustuhin mo. Lahat ng tagumpay ay kailangang paghirapan. Ang tagumpay ay kaakibat ng pahihirap.
Huwag kang mainip sa magandang resulta.
Karamihan sa atin gusto na agad-agad makuha ang rewards. Ang pinakakulang natin ay ang salitang sakripisyo. Karamihan sa atin wala nito kaya hindi rin lingid sa lahat na kunti lang talaga ang nagtagumpay dahil kunti lang ang marunong magsakripisyo. Kung walang magandang resulta, agad tayong susuko. Huwag tayong mainip kung hindi man agad, mangyayari ang inaasahan natin. God has His own perfect time. Hindi pa siguro ngayon ang panahon para sayo kaya tuloy lang...huwag sumuko. Malay natin baka bukas yon na ang pinakainaantay mo.
3 Comments
Tama
ReplyDeletedami kasi negatibo sa mundo...
DeleteNpkgndang content lhat totoo
ReplyDelete