Ano ang Kaibahan ng Blogging at Vlogging?

Ang dalawa ay parehong magandang source of Passive Income. Pero magkaiba ng pamamaraan para kumita. Kung ako ang papipiliin, I choose blogging kay sa vlogging dahil mas madaling magsulat kay sa gumawa ng video at mag-edit. Ikaw, saan sa dalawa ang gusto mong pipiliin para magkaroon ka ng passive income?

Ang ibig sabihin ng passive income ay kita na makukuha mo kahit ikaw ay tulog. Ito yong uri ng kita na less hassle at less effort. Isa sa mga halimbawa nito ay rental income, blogging at vlogging.

Ang Blogging ay ang modernong pamamaraan ng pagsusulat kung saan ito ay nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng internet sa mukha ng mga artikulo na may iba't-ibang partikular na paksa.

Karaniwan, ang tradisyunal na paraan ng pagsusulat para magbahagi ng impormasyon sa ibang tao ay ang paggamit ng ballpen at papel, o di kaya naman ng typewriter. Noon may kahirapan sa pagpapalaganap ng impormasyon gamit ang mga pamamaraan na ito. Dahil kailangan mo pang maka-ilang ulit na gumawa ng kopya ng iyong sinulat para maibahagi ito sa libu-libong mga mambabasa na may interes dito. Gaya ng aklat, newspaper, magazine, primer at iba pa.

Sa partikular, ang pagba-blog ay maihahalintulad natin sa isang diary kung saan isinusulat natin ang ating mga impormasyon na napapatungkol sa mga karanasan at kaalaman na ating natututunan sa pang-araw-araw na buhay. Ang kaibahan ng blog, naka-transform ang iyong sulatin sa web o internet gamit ang computer, at ito ay nababasa ng lahat kung sino man ang may nagnanais.

Kung na-meet mo ang requirements ni Google Adsense,  pwede kang kumita ng malaki o malaiit depende sa niche at effort mo sa pagawa ng iyong blog. Good tools for earning a passive income in the future.


Ang kahulugan ng Vlogging ay video blog o video log. Ito ay isang uri ng blog na ginagamit ang video bilang medium. Sa tulong ng iyong Youtube channel, pwede kang kumita ng malaki depende sa niche ng iyong channel. Marami na ang yumaman na mga vlogger lalo na ngayon na nauuso na sa mga millenials ang panood ng mga videos sa kahit anong platform. Hindi lang sa Youtube pwede kang kumita bilang isang content creator o video creator, ang Facebook ay mayron na ring ad breaks para pagkakakitaan ng mga content creators.

Maraming pwedeng gawing konsepto sa vlog na kalilibangan ng mga taga panood. Sa panahon ngayon maraming sikat na artista ang gumagawa nito; ipinahahayag nila ang kanilang saloobin at ipinapakita ang mga gawain nila sa araw-araw.

Dahil parehong magandang passive income tools ang dalawang nabanggit, minabuti kong pasukin ang pagba-blogging at pagba-vlogging. Sa mga interested individual, ituturo ko sa inyo kung paano gagawin ang pagba-blogging sa susunod na mga araw. Abangan....

Much love and God bless us all. Keep safe everyone!

Post a Comment

14 Comments

  1. Ah ok bossing.onya magsugod nata og klase ani sa blogging.

    ReplyDelete
  2. next na pabasa, ano ang requirments para kumita ang blogging hahahah

    ReplyDelete
  3. Abangan ang sunod na pabasa para malaman namin lahat sir. Interesting ito sigurado

    ReplyDelete
  4. Blogging talaga ang gusto ,but wala talaga akong oras dahil sa pagba-Blogs kailan mo rin talagang upuan at piliin ang mga words na gagamitin mo at ang mga pangungusap.kaya for now i choose vlogging muna,mag vedio at mag edit

    ReplyDelete
  5. Anhe lang q sa vlogging bossing kai tapulan ko mgsuwat hahah

    ReplyDelete
  6. Parang mahihirapan ako sa blogging haha Mahina utak ko mag isip

    ReplyDelete
  7. Sa logging ako sir, hahaha basta legal log in vlog spot😜😜

    ReplyDelete