Hindi Lahat ng Binibili mo ay Kailangan mo

Kailangan marunong tayong mag-evaluate sa mga bagay na bibilhin natin. Sa pamimili natin, mayrong dalawang bagay na kailangan nating i-consider bago tayo mag desisyon na bilhin ang mga ito. Kailangan marunong tayong mag-isip ng mga bagay na napabilang sa ating mga "NEEDS" and "WANTS".

Ang NEEDS ay mga bagay na kailangan mo talagang bilhin dahil kailangang-kailangan mo ito. Nakasalalay ang iyong buhay sa mga bagay na ito gaya nalang ng pagkain at damit. Hindi pwede sa isang tao na hindi kakain sa loob ng isang araw kundi mababaliw ka sa susunod na mga araw. Hindi rin pwede na wala kang damit. Baliw lang ang hindi nagdadamit.

Ang tirahan at sasakyan pwede ring maituturing NEEDS kung mayron kanang sapat na budget nito. Pangarap naman talaga ng karamihan ang pagkakaroon ng isang bahay kahit hindi naman ito kagandahan. Iba pa rin ang pakiramdam mo kapag nakatira ka sa sarili mong bahay. Pero marami namang nabubuhay sa mundo na umaasa lang sa boarding house, apartment at iba pang paupahan.

Pagdating naman sa sasakyan, NEEDS ito sa mga medyo executive na trabaho pero sa mga maliliit lang na sahod, magtyaga lang muna sa motorsiklo. Kailangan na matindi ang pangangailangan mo sa bagay na ito bago nyo bilhin. Lalo na kung wala kapang saktong budget at iasa mo lang sa kakayahan mong mangutang.


Ano naman ang kahulugan ng WANTS? Ang iba binibili ang isang bagay dahil noong una inaakala nila na needs nila ito pero later on, nalalaman nila na pwede naman palang wala ang mga ito. Halimbawa dito ay ang pagbili ng bagong gamit gaya ng bagong sapatos, damit at gadget.

Bumili ka ng bagong sapatos dahil naka-SALE ito at wala kapa nito. Mayrong bagong model ng cellphone, nagustuhan mo dahil medyo mura at karamihan sa kaibigan at katrabaho mo mayron nito. Bago mo bilhin, tanungin mo muna ang iyong sarili; may budget ba talaga ako nito? Kung wala, saan ako kukuha ng pambili?

Ang tunay na kahulugan ng WANTS ay sa umpisa tingin natin KAILANGAN natin dahil GUSTO o nagustuhan natin pero pwede naman tayong mabuhay ng wala ang mga ito. Kung ikaw ay nasa average lang ang kita, hindi mo kailangan na makisabay sa uso. Oo, gusto mo pero kailangan mo ring kontrolin ang sarili mo para hindi ka mapahamak sa bandang huli.

Isa sa mga rason kung bakit maraming naghihirap sa mga Filipino at nabaon sa utang dahil palagi silang namimili ng mga WANTS instead ng mga NEEDS nila. Kung sino pa yong walang ika-afford bumili ng mga mamahaling bagay sila pa yong nagpo-porsigeng mangutang para lang makuha ang gusto nila.

Lagi nating tandaan, hindi natin kontrolado ang mga pangyayari sa ating paligid. Kung hindi ka marunong magtipid at disiplinahin ang sarili, ikaw din ang maghihirap sa bandang huli. Masakit sabihin pero kung sino pa yong kinakapos sa budget, sila pa yong ang gagara ng mga damit at mga gadget. Ayaw mapag-iwanan sa uso kahit nabaon na sa utang pero kung makaasta akala mo sila may-ari ng isang mall sa lugar nila.

Nasa huling bahagi na tayo ng panahon at ramdam na natin ang hirap ng mga pinagdaanan ng karamihan. Hindi ito ang panahon para maglustay ng pera at makipagsabayan sa mga mayrong kaya. Tayong mahihirap ay kailangang magtipid at mag-ipon para sa kinabukasan natin. Huwag nating iasa sa kahit kanino ang kinabukasan natin dahil tayo ang gumagawa ng kinabukasan natin.

Post a Comment

10 Comments

  1. Unahin ang needs ksa wants, mostly ksi sng wants ung kung ano mkita sa kapwa gusto meron din sya khit ndi kaya.

    ReplyDelete
  2. All i can say is im inot ..hihihi..need is more important than wants.

    ReplyDelete
  3. Hahaha! All I ”need” at this point is a truckload of Toilet paper. I ”need” all the essentials stuff for survival. And if I won the lottery, I ”want” to buy myself a chopper 🚁 to avoid the Los Angeles traffic. SANA ALL Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. bakit kaya big deal sa US ang toilet paper? tabo ra katapat ana...hehehe

      Delete
  4. Parang ako ang nabibili lang talga eh yung needs yung gusto ko Hindi.. Saklap huhuhu

    ReplyDelete
  5. Tama po kayo sir may kilala po ako naturingan abroad ang asawa pero ayun baon sa utang kasi dpa dumadating ang allotment ng asawa nya puro utang na kasi bili dito bili duon ng mga wants nila. Awa ng dios nagugutuman pa minsan. Sana mabasa ito nung taong kilala ko kaso hindi un nag babasa at ayaw ko syang pangunahan baka mabunalan ako hehehe.Pero tama po talaga kayo sir good advice po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganun karamihan ginagawa ng mga OFW at pamilya ng mga OFW. AKala nila gripo ang source nila ng pera, na kapag kailangan i ON lang lalabas na agad.

      Delete