ORGANIC FAMILY 1HOUR LIVE on OCTOBER 1 (DRY RUN)

Super Mega Organic Shout Out sa lahat ng Organic Family sa buong mundo. Magbibigay lang ng update si UPTV tungkol sa gaganaping DRY RUN ngayon October 1, 2020. Hindi ito compulsory sa lahat ng members ng Organic Family. Hindi pa rin namin pakialaman ang inyong RECENT LS schedule kung ayaw nyong sumama para sa dry run at susuporta pa rin ang kapwa organic family.

Una, sa October 01, 2020 magsisimula ng ipatupad ang 1 hour Live Streaming ng mga Organic Family na sasali sa DRY RUN na ito. Namansin ng karamihan na halos lahat ay bumabalik na sa kanilang mga trabaho kaya nahihirapan na rin sila sumuporta sa mga sumusuporta sa kanila. Ang mahabang LS at maiksi ay halos pareho lang ang kikitain pagdating sa ADS REVENUE. 

https://www.microtool.de/en/testmanagement/lets-do-a-test/

Unti-unti na ring hinihinto ng mga mentored organic family ang pagpapalipad sa kadahilanang hindi naman talaga tayo ang totoong kumikita dito. Pwera nalang kung hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob. Ang mga Pinoy ay marunong talagang tumanaw ng utang na loob sa kahit anong paraan pero ang pagbibigay ng WH at Saging ay hindi sapat. Humuhugot talaga tayo mula sa ating bulsa para i-share sa ibang kapwa small Youtuber.

Ang DRY RUN na ito ay mainly applicable para sa mga MONETIZED CHANNEL. Pero maaari pa ring sumali ang hindi pa monetized. Ang hindi monetized ay makakahabol pa rin sa kanilang WH sa tulong ng mga monetized channel na sumama sa DRY RUN. 

Sa ngayon, kunin namin ang LISTAHAN sa lahat ng gustong sumali sa DRY RUN na ito. The more ang sasali, the more time na makapagpahinga tayo sa pagsuport at makakagawa tayo ng content video instead na mag focus tayo sa pagla-LIVE. Mas malaki ang kikitain sa pure content kay sa pagla-live.

Napakabihira lang po na mangyaring mag VIRAL or mag TRENDING ang isang LS video. Majority sa mga recommended videos at suggested videos ay mga regular uploads, kaya sa tulong ng DRY RUN na ito -mayron na tayong oras para kumuha ng kahit anong video na gawin nating new uploads. The Organic Family will now FOCUS on content hindi na sa LIVE STREAMS. 

Ang LIVE ay nakakaubos ng oras at halos hindi na tayo natutulog pero para hindi pa rin sapat ang ating kinikita. To all monetized channel na member ng Organic Famiy? Napapansin nyo ba na HINDI COMPENSATED ang hirap nyo sa araw-araw? Beside, halos lahat ng mga bagong monetized na hindi member ng organic family at nagpasikatan at nagpaunahan sa kanilang mga LIVE kahit hindi naman talaga sila kumikita ng sapat sa effort na ginagawa nila. Paano na yong mga bagong monetized channel na walang kakayanan para mag upgrade ng kanilang LIVE at magiging INNOVATIVE?

Marami sa Organic Family ay hindi kayang gawin ang pinaggagawa ni UPTV kaya anong mangyayari sa kanila, sila yong maiiwan. Kahit paman buo ang suporta ng Organic Family, hindi pa rin sapat yon para kumita tayo dito sa YT. 

Pag-isipan nyong mabuti ang inyong oras na ginugugol sa pag YT compared sa kita na nakuha niyo sa inyong hirap at sakripisyo kung sapat ba. Imposible naman na nandito lang kayo sa YT para sa friendship at mag-enjoy, syempre ang unang rason kung bakit kayo nandito ay dahil gusto nyong kumita. Our main purpose kung bakit tayo nandito ay dahil gusto nating kumita kahit papano. Hindi po habang buhay na magiging OFW tayo. Minsan naiisip na din nating huminto sa pagiging OFW dahil napapagod na tayo pero HINDI PWEDE dahil kulang pa ang kinita natin sa pagkudkod ng inidoro at kung anu-ano pa.

Five years akong nagiging OFW at naranasan ko na ang napakaganda at relax na trabaho pero huminto pa rin ako dahil hindi mababayaran ng halaga ang mga pagkakataon na kasama mo palagi ang iyong pamilya. Para magawa natin yon, kailangan natin ng doble kayud para makahanap ng extra income na pwede nating iiponin, sakaling aayawan mo na ang pagiging OFW, atleast may mahuhugot ka.

Bihira nalang ang nagla-LIVE ngayon na nagugustuhan pa nila yong pinaggagawa nila araw-araw. Pagod kana nga sa pagyawyaw, papagurin kapa sa pagsuporta sa mga taong sumuporta sa inyo. Ramdam natin ang PRESSURE at ang kulang sa tulog para lang magawa ang ating ROUTINE everyday. Habang hindi kapa nasagad at may time pa tayong baguhin, we will do a DRY RUN para makita ang kaibahan sa normal nating ginagawa ngayon tapos kinabukasan wala rin namang kikitain.

Sa NEW UPLOADS, walang pressure at masusuportahan ng karamihan hindi pa matatapos ang araw dahil marami tayong time para manood ng mga uploads kay sa makikinig lang tayo sa mga LIVE na wala naman kakaibang ginagawa kundi mag SHOUT OUT ng mag shout out na walang kataposan. 

Ang DRY RUN na ito ay magkakaroon ng exclusive GC, para sa LS, PREMIERS and NEW UPLOADS. Mapapansin nyo rin sa DRY RUN na ito na wala ng masyadong PREMIERS dahil ang advantage lamang ng PREMIERS ay yong superchat para sa mga monetized channel pero dahil hindi na ito HABIT ng mentored organic family, mabaliwala din ang premiers. Ma-pressures pa tayo sa pag-antay ng oras, minsan kahit inaabangan mo -makakalimutan mo pa rin. Sa UPLOADS, walang oras na pinipili. Kung naghuhugas ka ng plato, atleast matatapos mo bago mo panoorin. UPTV now will focus more sa UPLOADS, hindi na sa premiers.

Kung 1 hour ang ating LS, hindi tayo mapapagod. Mas marami ka ring masuportahan dahil hindi kapa pagod. Mahirap makasuporta habang naka LS ka. Sa mga gustong sumama sa DRY RUN. Magpalista na po kayo para mapag-usapan ang oras kung kailan available ka. One hour LS lang every members, bago ka magtapos ipasa mo sa next LS ang mga tao sa LS mo. Kung mayrong mangingisda, tutuloy siya sa iba pang LS na sakop ng Organic Family. Please PM me sa aking new new FB page RAKETIRONG PINOY. Pwede nyo ring sundan ang link na ito: 

Mentored organic family will focus more sa new uploads. Ano ang advantage sa new uploads compared sa premiers? at ano ang kaibangan ng premiers sa new uploads? abangan nyo po ang post namin dito sa susunod na mga araw.

Para sa iba pang topic na makakatulong sa iyong YT journey, please visit RAKETIRONG PINOY

Post a Comment

12 Comments

  1. Very well said.I am super agree on this.

    ReplyDelete
  2. Opo pabor po ako diyan kasi makakasuport kn sa lahat makakaiwas kp sa puyat at pagod pwd nmn mag live kaso mga 1hr lng sapat na!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung nahihirapan akong i-manage ang aking oras kahit wala akong trabaho, paano pa kaya yong mayrong regular na trabaho at yong iba jan ay bawal pa mag cellphone.

      Delete
  3. good idea at talagang makakatulong sa bawat or sa lahat if gusto nila kasi ang content ang most important kay sa LS sana maintindihan nila ang YT ay content only lang. ok ako dito even di pa me moni bro no worries. thanks for all the support and all the SMOSO family. mabuhay tayong lahat.... god blesss!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat bro sa dagdag insights at salamat din sa suporta.

      Delete
  4. I would loved to be part of these very innovative plan. Kuddos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat bro sa suporta...We will do an innovative action para sa ikakaganda ng ating channel.

      Delete
  5. How can i join to your program sir? What should i do everyday? Can i join your brilliant program ideas?

    ReplyDelete