SuperChat o Super Stickers! Nakakatulong Ba Sa Iyong Youtube Revenue?

Marami ang walang idea tungkol sa mas malalim pang kahulugan nito. Lahat ng Live Streamer ay masaya kapag nakakakita ng ibang KULAY sa kanilang chatbox lalo na kung ang HALAGA nito ay nakakamangha. Ang kulang ng superchat at super stickers ay magkaiba depende sa amount na pinapalipad. Pero ang malaking tanong, totoo ba talagang nakakatulong ito sa ating Youtube revenue? Siguro ang sagot mo ay BIG YES!

Para sa akin it's a big NO! Bakit ko nasabing NO eh pera na yong pinalipad sa iyo? One hundred percent na ang iyong revenue sa araw na iyon ay lalaki pagdating ng update. Kaya nakakatulong ito sa iyong revenue. Magiging totoo lang ito kapag ikaw ay hindi nagpapalipad sa mga nagpapalipad sa iyo.


Kumon na Rason Kung Bakit Hindi Makapalipad sa mga Nagpapalipad o Nagsuperchat sa Kanila.

1. Unavaible sa bansa kung saan sila nakatira o naka-based ngayon. Maraming bansa ngayon ang restricted ang pagsuperchat lalo na sa Middle East. Yong iba nakakahanap ng paraan, gumamit sila ng VPN at yong iba naman, mula mismo sa pinas ang pinalipad from a trusted family member na inutusan. Maswerte ang mayrong mautusan sa Pilipinas pero paano naman yong wala, hindi sila makapagpalipad. 

Ang problema din nong iba, ayaw tanggapin yong kasalukuyang card nila para sa superchat. Kailangan mo talagang intindihin yon dahil wala talaga silang magagawa lalo na ngayon mahirap lumabas at yong iba ay nagtitipid din dahil kunti lang ang sinasahod kung mayron mang trabaho, paano yong walang trabaho at wala ding ipon?

2. Bukod sa mga rason na binanggit sa itaas, mayron talagang tao na hindi marunong magshare ng blessings. Kahit pwede naman nyang gawin yon at mayron din naman siyang kakayahan. Syempre kailangan mo unawain kung ano man ang rason nya kung bakit ayaw niyang magbigay. Ano paman yon, wala na tayong pakialam doon.


REAL SCENARIO SA SUPERCHAT AT SUPER STICKERS

Sa bawat palipad mo sa isang kaibigan o ka-gropo mo, in any amount -automatic ibabawas agad ni Youtube ang kanyang service charge na thirty percent (30%) pero marami ang naka obserba na hindi talaga ito fixed 30%, mas mahigit pa doon. Five percent is acceptable pero yong 30%+ sa palagay nyo acceptable talaga yon? Can you imagine, ang laking company at billion ang kinita nya pero masiba pa rin siya sa service charge. 

Halimbawa, nagpapalipad ka kay Raketirong Pinoy ng $100 -nasa magkana nalang papasok sa revenue mo kinabukasan or next day sa update ni Youtube? Siguro nasa kulang-kulang $60 nalang ang papasok sa iyong revenue. Dahil ikaw ay Pinoy, majority sa atin marunong tumanaw ng utang na loob kahit sabihin nating hindi naman siya nag-expect na paliparan mo rin siya. Pero bihira lang talaga sa mga Pinoy ang hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Sana hindi ka kasama sa mga bihira na iyon. Hehehe

Kung ikaw ay marunong ding mag share ng blessings, please compute your revenue mula sa superchat LESS your expenses -yong amount na pinalipad mo rin sa mga nagpapalipad sa iyo or yong naging kaibigan mo lang sa Youtube. Kwentahin nyong mabuti kung mayron ba talaga kayong kinita sa superchat. Pero yong hindi nagpapalipad, sigurado pong kikita sila dahil puro papasok sa kanilang revenue ang superchat, samantalang wala silang pinapalabas.

Tulad ng sinabi ko, kunti lang ang mga Pinoy na Live Streamer ang hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Karamihan sa atin, kahit pinadikitan mo yong superchatter o pini-play mo sila - marami pa rin ang nag-iisip na hindi yon sapat kaya kailangan mo pa ring balikan ng superchat sila kung halimbawa monetized channel na sila, kung hindi pa mag-aantay ka kung kailan sila magiging monetized. Nakakahiya din kasi na ikaw pinaliparan tapos nong na-monetized na sya wala ka man lang pinalipad kahit KALDERO man lang na may lamang tutong. Ugali talaga natin tumanaw ng utang ng loob, diba mga kababayan? Kayo lang sa iyong sarili ang makakasagot nyan.

Most of the Organic Family are now aware tungkol dito kaya bihira na kayong nakakakita ng mga SMOSO family ang nagpapalipad. Dahil ang pinapayaman natin lalo ay si Youtube hindi po tayo. Siguro ang dahil marami siyang binabayaran pero if you go deeper hindi po ang expenses ni Youtube ang issue kundi yong pera na pinapalabas natin para ibigay sa kanya. The more superchat Youtube will receive, the more money they can get from us at yong pera na iyon ay para iyong lang din ang sinasahod nya sa atin. It means ang ating sahod ay mula din mismo sa ating bulsa kung ikaw din ay malakas ding mag superchat sa iba.

Kindly compare your superchat revenue ang the amount you superchat to others. I am pretty much sure na tabla-tabla lang. Ang masaklap kung sumobra ka sa palibapad dahil marami kang kaibigan at gustong tulongan. Well, kung pumasok ka sa Youtube para magshare ng blessings, that would be great and I or we wish you will be bless and get more blessings para marami ka pang matutulungan pero kung pumasok ka sa Youtube para kumita, better stop it para hindi ka magigising sa katutuhanan na wala ka palang kinita sa mga superchat.

As you have notice, bihira nalang nagpapalipad sa amin dahil ako din mismo nagsasabi na huwag na magpalipad. Instead, mag focus tayo sa ADS REVENUE kung saan, makukuha natin ito sa ating mga premiers at regular uploads. Sa kasalukuyan, tanging ang papaliparan nalang ng SMOSO family ay yong mga bagong monetized channel para mabilis nilang maabot ang amount na kailangan ni Google Adsense para maipadala ang kanilang mga PIN. Yon ang pwede nating pagkaisahan para makakatulong tayo sa ating mga kaibigan. 

Isa pang rason na pwede kang mag superchat ay kung ang isang channel ay palagi nagsusuporta sayo halos araw-araw pero ikaw hindi ka makakasuporta sa kanya dahil siguro tulog ka or may trabaho ka sa kanyang mga LS or premiers pero pwede naman nating gawing "REPLY IS THE KEY" malaki pa kikitain mo sa ads revenue dahil mayrong mga mid-roll ads ang mga uploads.

Abangan ang susunod pa naming updates tungkol sa ating Youtube Journey tungo sa ikakaganda at ikakaayos ng ating mga channel. Abangan ang tungkol naman sa membership or JOIN button.


To sum it up, ang totoong kumita 


Post a Comment

6 Comments