Hindi masama ang Live Streaming. Sa katunayan marami ang nahuhumaling sa kalakarang ito ngayon sa Youtube lalo na ang mga small Youtubers. Isa ito sa mga ginagamit ng mga aspirant small Youtubers para mas mabilis makuha ang 4,000 watch hour or WH na requirements ni Youtube. Karamihan sa gumagawa ng ganito para sa WH nila dati ay itinuloy pa rin nila ito hanggang nagiging monetized na sila.
I highly agree na malaki talaga ang tulong ng Live Stream pagdating sa WH pero pagdating sa revenue, medyo malabo lalo na kung aasa ka lang sa ads revenue. Ang UPTV ngayon ay hindi na tumatanggap ng Superchat at Super Stickers para maiwasan ang malaking expenses namin na magsuperchat back sa mga taong nagsuperchat namin. Based sa calculation namin, minsan lugi pa kami sa superchat revenue dahil sa laki din ng pinapalabas naming halaga sa superchat sa iba.
Umaasa kami ngayon sa Ads Revenue at sa MEMBERSHIP pero soon bago magtapos ang taong 2020, gawin na naming Level 1 nalang at P25 ang aming membership. Ito'y isang ding action na gagawin namin para maiwasan ang malaking expenses at ang ibabawas ni Youtube na halos 40% sa service charge sa bawat Superchat at Membership payments.Kapag ikaw ay monetized channel, hindi mo na kailangan ang malaking WH, hindi na mahalaga sa atin ang watch hour. Ang mahalaga sa atin ay magkaroon ng magandang revenue na hindi galing sa superchat at membership. Kung ikaw ay monetized, kindly check your daily revenue kung kumikita kaba sa iyong LIVE at kung kumita ka, magkano naman ito? Double check your Ads Revenue? Palagi nating sinasabi na DON'T SKIP THE ADS, kahit marami kang viewers -mukhang kulilat pa rin ang iyong ADS REVENUE. Do you think compensated ang iyong hirap at sakrispisyo sa iyong mahabang oras na pagya-yaw2?
Bakit kaya majority sa mga sikat na Youtuber hindi nila ginawang habit ang Live Streaming? Bakit sila panay upload lang ng content? Siguro maraming factors na kailangang i-consider. Una, ang pagla-LIVE ay nakakaubos ng laway at energy. Pangalawa, nakaka-stress dahil nauubos oras mo sa kaka-live at sa kaka-support ng mga nagla-live. Pangatlo, ang Live video ay hindi tutubo pagdating ng dalawang linggo. Kung tutubo man, bihira lang mangyayari. Unlike sa regular uploads, kahit ilang taon na patuloy pa rin itong tutubo ang WH at ang revenue.
Bilang ORGANIC friend, hindi tayo ma stress sa kaka-support at kaka-LS. Pakiramdam mo, kulang na ang 24 hours para masuportahan mo silang lahat. Dahil ayaw mo magtampo sayo, kailangan mo silang puntahan sa kanilang LS pero pagdating mo doon matatapos na. Yong iba, tapos na talaga.
Ang regular uploads ay pwede mong panoorin kahit kailan, walang pressure sa oras. Apart from that, dahil maiksi lang ito compared sa Live Stream, mas madali mong matapos panoorin. Makakarami ka ng video na mapanood sa isang araw na hindi na napi-pressure. At ang pinaka-importante sa lahat, malaki ang ads revenue mo sa UPLOADS.
ADVANTAGE SA PAGLA-LIVE STREAMS
1. Malaki ang WH na bigay at makakatulong ito kapag ikaw ay naghahabol na watch hours. Pero kung kunti lang din ang iyong viewers, maliit lang din ang ibibigay sa iyo. Kung wala kang viewers, mas mabuting mag regular uploads ka. Pero para matulongan ka sa iyong WH, mapa-LIVE man yan o UPLOADS, mag-ipon ka ng ORGANIC friends. Sila ang susuporta sa iyo sa lahat ng Youtube activities mo.
2. Makakatanggap ka ng Superchat or Super Stickers. Pero palagi mong tandaan, hindi buong makukuha mo ang lahat ng pinapalipad sa iyo. Almost 40% yan ay mawawala dahil sa service charge ni Youtube. Para sa Organic Family ni UPTV, ang superchat ay gagawin lang ito sa mga bagong monetized channel para matutulongan silang mapabilis ang pagpapadala ni Google Adsense sa iyong PIN.
3. Makakapag-promote ng isang channel para mapabilis ang pagkuha ng 1,000 subscribers. Pero ang pagpapalaki ng bahay through Live Streaming ay walang assurance na ikaw ay kikita sa ADS REVENUE dahil karamihan sa kanila, nagkita lang kayo noong nagkakadikitan kayo pero pagkatapos non, halos wala pang 1% ang babalik sa iyo para manood ng inyong mga videos. Kaya ang pagpromote ng channel ay effective lang kapag need mo ang 1K subscribers.
4. Turuan ang iyong mga subscribers paano magiging ORGANIC. Kung kailan ito ang pinaka-importante, ito pa ang kinalimutan ng karamihang mga Live Streamers. Nag-focus sila sa #1 up to #3. Ang #4 kinalimutan nila kung saan dito sa kikita ng pangmatagalan at hindi ka napapado sa kaka-LIVE.
Kung mayron kapang alam na advantage sa paglala-LIVE na hindi namin nabanggit, pakisuyong ibahagi ito sa aming comment section sa baba. Para malalaman mo kung saan ba kikita ng malaki sa ADS REVENUE, live streams ba o uploads -pakisuyong panoorin ang aming video gamit ang link na ito: https://youtu.be/K8qdQ-1UoWs
9 Comments
The more organic friends + more uploads will result to more views = more revenue! Kapoy yawyaw sa ls dayon cents ra ang kita. 🤦🏻♂️😅😂
ReplyDeleteLagi bro, makaluya pag human unya wa ra diay...nindot uploads kay way pressure...
DeleteSa uploads nalang ko eh di pa kalas laway bossing then collecr organic friends to have more views..that's it.
ReplyDeleteSaan kapa makakarelax ka sa uploads rathen ls kalas laway less revenue.
Kana gyung pressure ug stress sa pagsuporta sa mga LS mao sad naka makahurot ug oras...usahay dli nata kaligo kay kulang ug tulog kay nabuntagan sige suporta...unya magtampo pa ang dli maadtoan...
Deletemas maganda uploads no hassle at the same time hindi nakakapagod
ReplyDeletepag laptop nkaka comment ako sir idol pero pag cp gamit ko hindi..(sukbin imagination po ang inyung lingkod)
DeleteDaghang salamat sa informative vlog na ito Bossing.
ReplyDeletePara sa skin matuto muna mgpakatotoo sa srili ksi llo n at small ytbers n hindi nmn kilala tao. Mtuto magsuporta at hindi ung sasali lng sa isang group para mkilala sya tpos iiwanan na pgdting ng araw at nkuha n ang gusto tpos bblik uli kog klngan. Khit konti lng viewers basta legit ay ok na. Pero don pa din ako sa uplods that was my belief since nag start ako.
ReplyDeleteoo sir nasubukan ko na talaga ni hindi talaga sa live streaming kay more on uploada video nalang ako now hindi na ako masyado mag ls hahaha
ReplyDelete