Kumikita tayo sa dalawang binanggit pero kung ADS REVENUE ang pag-uusapan, isa sa dalawang ito ang hindi mo maaasahan. Karamihan sa mga small Youtubers lalo na mga baguhan, mas nakulong sila ngayon sa pagla-live kay sa pagawa ng mga bagong uploads. Pakiramdam nila kumikita sila sa pagla-LIVE dahil sa superchat at super stickers. Saan ba tayo kumikita ng totoo?
Kung nabasa nyo ang aming blog tungkol sa superchat, malamang may idea na kayo kung sino talaga ang kumita sa bawat palipat na ginagawa natin sa mga live at premiers. At sigurado, controlled mo na ngayon ang sarili mo sa pagpapalipad lalo na yong nag-iisip na kikita sila ng malaki dito sa Youtube. To know more, pakisuyong basahin nyo po ang aming blog regarding superchat: https://www.raketirongpinoy.com/2020/09/superchat-o-super-stickers-nakakatulong.html
Simula nong lumaganap na ang COVID-19, nawalan na ng earning potential ang halos lahat ng online opportunities. Apektado din ang Youtube kahit isa ito sa napakalaki at magandang source of "passive income". Frankly speaking, sobrang baba na talaga ang kitaan ngayon sa Youtube lalo na sa ads revenue.
Kung ganun, kailangan nating mag stick sa purpose kung bakit ginawa ang Youtube at kung baki nandito tayo. Gusto nating kumita ng klarong kita na hindi tayo kailangang magpaluwal mula sa ating sariling bulsa para kumita. Again, ang investment lang natin sa ating channel ay sipag at tiyaga. Hindi kailangan mag invest tayo ng pera para magsimula dito dahil cellphone at internet lang ang kailangan pwede kanang mag YT. Alam naman natin kahit wala pa tayo sa YT, may cellphone at internet na tayo.
Ginawa ang Youtube dahil sa mga content. Ngayon lang yan mayrong LIVE dahil nakita din ni YT na malaking potential ang LIVE at PREMIERS para sa superchat at super stickers na di hamak na malaki din ang kikitain niya mula sa mga viewers. Kaya let's focus sa content para purely ads revenue ang makukuha natin mula kay Youtube.
Sa pag-aaral ni UPTV comparing LIVE video and regular upload, lumabas na malaki ang kikitain ng regular uploads kay sa pagla-LIVE. Kaya napagpasyahan na rin na simula nong ginanap ang DRY RUN noong October 1, 2020 mag-focus na tayo sa upload at kailangan nating i-shorten ang mga LIVE at bawasan din ang araw.
Para masundan ang ginawang pag-aaral, pakisuyong panoorin ang Youtube video na ito:
Part 1: https://youtu.be/K8qdQ-1UoWs
Part 1: https://youtu.be/cFJlOSC3o3E
8 Comments
Regular uploadd is the best ang kita bossing and I thank you....
ReplyDeleteRegular uploads always
ReplyDeleteRegular uploads always
ReplyDeleteregular uploads and hindi nakaka pagod unlike live streaming matutuyuan kana nang laway at sasakit pa lalamunan mo.
ReplyDeleteRegular uploads Bossing ❤️
ReplyDeleteRegular uploads ang daan tungo sa totoong kitaan. Maraming salamat po. Back to you.
ReplyDeleteGood advice sir salamat
ReplyDeleteregular upload kc mas maliit nga naman ng oras pero everyday tataas pero ang ls haba oras pero bumababa og views bakit kaya?
ReplyDelete