Since Year 2006 kung anu-ano nalang pinapasokan at sinasalihan kung mga raket sa online. Ang iba kumikita ako pero marami ding site na nagsasayang lang ako ng oras. Noon mga taong iyon, hindi mo maaasahan ang kita mo sa online dahil sobrang liit pero nakakatulong sa pagbabayad ng bills gaya ng ilaw at internet.Sa mga panahong yon, I'm managing my small business na at sa gabi naman nag-aaral ako ng BS Entrepreneurship kay huwag na kayong magtaka kung bakit mayron akong alam kunti sa negosyo dahil pinag-aralan ko ng tatlong taon.
Namatay ang mama kung 2008 pero bago paman yon nangyari madalas na siyang isinugod sa ospital at dahil ako ang breadwinner, kargo ko lahat na mga bayarin. Hindi ko namalayan nagamit ko lahat mga ipon ko sa pagpapagamot ng mama ko at nong nawala na siya, wala na ring laman ang aking savings at pati negosyo ko nauubos din ang puhunan. Bininta ko ang aking dalawang motor at lumuwas ako ng Maynila para makipagsapalaran abroad noong 2009.
2010 April ng ako'y unang tumapak sa bansang Saudi Arabia. Nakapasok ako sa isang 5 star hotel at medyo magaan ang trabaho kaso bugbog ako sa OT. Hindi kalakihan ang sahod pero dahil sa OT lumalaki ito kaso wala na akong oras sa mga online raket ko pero pinipilit ko pa rin. 2012 nag resign ako at umuwi ng pinas para makapagpahinga pero 2013 bumalik na naman ako sa Saudi para magtrabaho. Medyo malaki na ang sahod at napaka-relax pa. Pero dahil hindi ko makakayanan na malayo ng matagal sa aking nag-iisang anak kay nag resigned na naman ako.
Kahit may trabaho ako mula 2006, hindi nahihinto ang paghahanap ko ng mga raket sa online at offline. Kaya kahit minsan nahihirapan pero nakaka survive pa rin dahil marami na akong alam kung paano kumita online. 2008 pa akong unang nag-blogger pero hindi ko pa ramdam ang dulot na magandang income nito sa akin dahil still learning pa ako noon sa pagba-blog at tamad akong magsaliksik.
To make the long story short, sa hindi inaasahang pagkakataon naisipan kung bumalik sa pagba-blog noong October 2017. Dahil yon sa isang FB group na napasokan ko na puro tanong ang mga tao doon sa loob. Para hindi ako mahihirapang magpaliwanag, isinulat ko ang mga sagot sa tanong nila through my blog. Unang buwan palang, kumita na ako ng $116 kaya naingganyo akong ituloy-tuloy na ang aking blogging journey.Mula noon every month na akong sumasahod mula kay Google Adsense at I was verified noong Year 2008 after a month noong I did my blog first post being published. Madali lang akong na verified at dahil updated pa ang mga post office natin doon at noong time na yon uso pa talaga ang mag sulat-sulat.
Unang blog ko ay free domain gamit ang blogspot.com or blogger.com. Mahigit isang taon ko ring pinagtiyagaan kahit kumita na ako ng halos kalahating milyon in peso. Then, last quarter of 2018 I bought my own domain ang www.usapangpera.ph. Nasundan pa ito ng marami pang domain na nabili ko at dumami na rin ang aking blog na magkaiba ang niche. 2018 din na nasimula akong mag vlogging gamit ang Youtube.
Ang mga sumusunod ay ang aking mga blog with Google Adsense
Hindi ito ang unang blog at hindi rin ito ang pinapa-approved ko kay Google Adsense. Hindi rin ito ang unang blog na kumikita ako. Nakalimutan ko na yong una kong blog pati link kasi ilang beses ko rin kasi yong pinapalitan ng link. Nakailang lipat na rin kasi ako ng lugar at nakailang abroad na rin ako sa Saudi kay nakalimutan ko na. Pero ang www.usapangpera.ph ay ang unang blog ko na kumita ako ng mahigit $100 sa loob ng isang buwan.
Ang layunin ng blog na ito ay upang magabayan ang mga netizens noon na naghahanap ng mauutangan. Lalo na yong mga palaging kinakapos ang sahod at kulang ang pambili ng mga pangangailangan sa bahay. Maganda pa ang kalakaran ng OLA or Online Lending Application noon pero dahil marami na rin ang scammer at ginagamit na rin ang OLA para magkapera kaya pati mga matitino na mga borrowers ay nadadamay kaya naging malupet na rin ang mga collectors ng mga lending app.
Kung datin guide ang layunin ng blog ko, ngayon nagiging review nalang ito para hindi mapapahamak ang mga borrowers na matitino.
Ito ay clone lang ni usapangpera.ph dahil na blocked ito kay Facebook dahil ang main traffic ko dati ay from FB. Pero kalaonan ay napatawad ako ni Fb nong nag-appeal ako para kay usapangpera.ph kaya nakapagpost na naman ako sa FB. Itinuloy ko pa rin ang blog na ito pero hindi ako ganon ka active gaya ni usapangpera.ph.
Layunin nito upang makapaghatid nga mga updates sa iba't-ibang mga online raket na pwedeng pagkakakitaan ng mga Pinoy at pati mga OFW's. Hindi ako masyado active dito dati dahil naka-focus ako doon sa unang site na naghahatid sa akin ng malaking revenue every month. Daig ko pa ang isang typical na OFW na sumasahod ng hindi baba sa P30,000.
4. https://utangph.blogspot.com/
5. https://cherryfirmware.blogspot.com/
Lumang blog ni GSMUNITED tungkol sa mga cherry mobile phones pero lately lang niya ikinonek sa aking Google Adsense. At nagsimula na rin itong kumikita sa mga ads.
Ang mga sumusunoy ay ang aking mga Youtube Channel
1. USAPANG PERA TV
It was created on August 5, 2018 as add on lang sa aking blog na www.usapangpera.ph. After a year, nagiging monitized ito at kumita na rin. Mula ng ito'y na monetized, monthly itong nakakatanggap ng sahod except nong nagka pandemic pero after 2 months bumalik na uli ito hanggang ngayon.
2. Congregation Vlogs
Monetized channel na rin ito at kumikita na rin ng $1 everyday. Hindi ako active dito pero mayrong mga regular viewers na nanood ng aming mga old videos pero susubukan naming magiging updated na rin ito.
3. GSMUNITED
Isa ding monetized channel na si GSMUNITED mismo ang nag-update ng mga uploads nito. Hindi ganun ka active kay UPTV pero kumikita na rin at recently lang din pinutol nya ang kanyang membership para makaiwas ng responsibilidad sa mga members which tama ginawa nya dahil purely content lang ang kanyang ina-upload.
4. MRS. USAPANG PERA TV
Hindi pa ito monetize pero tapos na po ito sa 4,000 watch hours. Kulang nalang nito ay ang 1,000 subscribers. Ang channel na ito ay gawin kong more on family ang friends outing. Lalo na kung makabili na kami ng drone pero sa ngayon "in our dreams" muna.
Ito ang pinaka-unang channel na ginawa ni UPTV. It was created noong December 22, 2007. Naging monetized na ito noon pero late ko na ring nalaman na monetized na pala ito since 2013 dahil sa malaking views na nakuha sa isang naging viral videos na ina-upload noong 2012. Before wala namang requirements na 1K SUBSCRIBERS at 4K WH. Nag-umpisa lang ito noong January 1, 2017.
Kaya na monetized ito noon kahit 10 subscribers lang ito kaya dahil late ko na nalaman na monetized na pala ako, so agad-agad kung binuksan ang ADS pero hindi pa natapos ang buwan nagpadala na ng mensahe si YT na babawiin na ang kanyang binigay na harang kasi mayron ng new policy si YT pagdating sa pagbibigay ng ADS.
6. BROSMIGUEL
Channel ito ng aking anak si Miguel Edrin Jay. Kasalukuyang na live stream siya ng mga laro para mapabilis ang kanyang watch hour pero kapag maging monetize na rin siya, ihinto na nya ang pag LS at mag focus nalang din sa content uploads. Dito nyo mapapanood ang kanyang mga doings and undertakings hanggang lumaki na siya.
14 Comments
Your such a genious sir kudos to u sana turuan mo ko mag blog🤣😂
ReplyDeleteTrying hard lang po ako mam, hindi po ako gen·ius.
DeleteWow sana all ganito
ReplyDeleteBeke nemen pwedi ishare Ang yung taken to
Cel
Ano daw? di ko gets eh
DeleteMadiskarte jud ka bossing..salamat imo pod geshare sa amoa para makat on pod mi..thank u..thank u.
ReplyDeleteSakto gyud. Sa kinabuhi dili sapat nga magaling ka, kailangan nimong madiskarte. Unsaon manang magaling ka unya dli ka kabalo modiskarte.
DeleteEh di wow, batch diay ta pagkablogger bossing 2008 pod to akong namayapang blog nga di nako maopen. Anyway, thanks for sharing your stories with us!
ReplyDeleteAko sad namayapa na pero nagsige kog buhat ug blog hantod nidangat ko sa UP.PH, diri nako na satisfied.
DeleteAwww, sana all has endurance for blogging.
Deleteseen
ReplyDeleteDone Bossing...
ReplyDeleteMasasabi ko po na business minded po kayo talaga sir kaya malaki ang chance nyo yumaman.. pautang ha hehehehehe good job po sir more power to your businesses.
ReplyDeleteSana all daghang raket.how to be you po???
ReplyDeleteSana all kagaya mo kaya idol kita kaso di ko kaya ang talento mo kuya bossing😂
ReplyDelete