I would like to address this issue sa lahat ng mga MONETIZED channel na members ng SMOSO family. Mayron pong natuklasan ang ibang kasamahan natin na hindi pumasok ang kanilang mga ads revenue sa kanilang total earnings at pati paglipat sa Google Adsense ay hindi rin napasama. Guso kung malalaman kung marami ang nakakaranas ng ganito dahil hindi natin alam kung sinadya or bug.

Sa sitwasyon ni UPTV, CV at GSMUNITED wala naman abirya except nabawasan ang earnings ni UPTV ng $8 sa buwan ng Octobre pero sa ads revenue wala namang problema. Hindi natin alam kung anong rason sa likod nito. Pwede ring inuna lang ilipat ni YT ang revenue mula sa MEMBERSHIP AT SUPERCHATS tapos baka sa susunod na mga buwan saka pa ipasok ang inyong mga ADS REVENUE.

Ang scenario ganito, kung tingnan mo ang inyong ads revenue per video makikita mo na mayrong ads revenue na lumabas pero sa buong buwan na earnings mo walang lumalabas. Ang tanong, saan napupunta ang mga kita mo sa inyong mga videos? Hindi naman pwedeng wala dahil mayron naman ads na lumalabas at mayron din namang nakikitang revenue sa bawat videos.


Please check your video uploads kung bawat isa may ganito?

Naguguluhan ang mga small Youtubers na limited lang ang kaalaman sa ganitong problema. Kaya baka hindi lang sila may problema sa kanilang revenue analytics.  Pakitingnang mabuti ang larawan sa itaas kung lahat ng mga video nyo mayrong mga revenues. Normally, as monetized channel mayron talaga yang revenue.

Please check your YT studio analytics under REVENUE

Try nyong i-total ang lahat ng revenue sa mga videos na ina-upload nyo halimbawa sa buwan ng October. Dapat pareho ang total ng inyong revenue per video at ang Total Ad Revenue nyo sa REVENUE SOURCES. Tingnan nyo ang illustration sa itaas para makita nyo ang sample na dapat nyong gagawin sa inyong mga video at channel analytics.

Ang nakakaranas ng ganitong problema ay karamihan mayrong superchat at membership. Ang pumasok sa kanilang revenue sa buwan ng September ay ang Membership at Superchat lang. Tiningnan ko ang REVENUE SOURCES nya, walang amount kaya pag carry-over nito sa Google Adsense wala ding pumapasok mula sa AD REVENUE. Pero kung tingnan mo ang kanyang mga uploads noong buwan ng September pati October mayron naman revenue.

Maaaring BUG lang ito at hindi naman pwede mawawala yon dahil pinaghihirapan din naman ninyo yon. Or baka inuna lang na ibigay ni Youtube ang Membership at Superchat dahil hindi naman ito galing sa kanya kundi sa mga taong nagbabayad ng sarili nilang pera mula sa kanila bulsa. Pagdating kasi sa ADS REVENUE si YT talaga ang magpapaluwal nito mula mismo sa kanilang bulsa hindi sa bulsa ng ibang tao.

Abangan nalang natin ang mga updates ni YT tungkol dito dahil hindi talaga ito pwedeng mangyari lalo na sa mga small Youtuber.  Huwag lang kayong magpanic at tuloy lang sa pag-upload. 

Please comment down below kung isa kayo sa mga nakakaranas ng ganito at huwag kalimutang maglagay ng pangalan lalo na yong wala pang blogger account.