Ang pagkakaroon ng PASSIVE INCOME ay ang pinakarason kung bakit marami ang pumasok sa mga networking companies kahit mahirap itong gawin sa umpisa. Gusto talaga nating kumita ng hindi na naghihirap pa. Yong tipong kahit tulog kana, may pera kapa ring aantayin sa buwan-buwan gaya nong mga mayron ng malaking network at syempre stable networking company.
Ilang beses ko ng sinubukan pero failure pa rin ako dahil napakahirap talaga trabahuin ang networking lalo na kung wala kang convincing powers gaya nong iba. Gaya ko shy at tahimik lang, although kaya namang i-improve ang sarili at pag-aralan pero mahirap talaga lalo na kung hindi ka sanay magiging persuasive.
Hindi pa naman ako nawalan ng pag-asa pero mayron akong nakitang parang networking din ang resulta pero mas madali dahil hindi mo na kailangan ng convincing powers kundi creativity at consistency lang ang kailangan para ikaw ay magtagumpay. Pagdating naman sa shyness kayang-kaya kahit kanino dahil pwede ka naman gumawa ng content kahit hindi ka magpapakita.
Ang tinutukoy ko ay ang pagba-BLOG at pag-YOUTUBE. Madali ito lalo na sa mga millenials pero para sa atin na medyo napaglumaan na ng panahon, may kahirapan pero kakayanin. Magkaparehong layunin ang magkakaroon ng PASSIVE INCOME pero magkaibang vehicle ang gagamitin para makarating. Ito ang nakita kung hiyang para sa akin lalo na mahiyain ako kahit mayrong paka walang hiya din minsan.Marami ang nahihirapan sa pagsusulat ng blog kaya hindi rin lahat ganado sa ventures ng pagba-blog. Hindi rin lingid sa lahat na karamihan sa mga tao ngayon gusto nalang manood kay sa magbasa kaya patok na patok ang pagba-vlog o ang Youtube. Isa ka rin ba sa mga tamad magbasa at magsulat? Kaya dito kana sa Youtube, di hamak na mas madali at kikita kapa kung magiging Youtuber ka.
Huwag mong hayaang hanggang tagapanood ka lang ng mga content ng iba. Gumawa ka rin ng sarili mong content para pagkakakitaan mo sooner or later. Hindi gaanong mahirap gumawa ng Youtube channel pati na rin ang content. Kailangan lang gawin ang tama para magiging gripo mo ito ng grasya sa hinaharap.
Dalawa ang magiging pakinabang sa pagkakaroon ng Youtube channel:
1. Keep and store your old memories
Isa sa pinaka the best pagtaguan ng inyong family and friends memories ay ang Youtube. Bukod sa mas madali itong mahanap, ligtas pa ito sa kahit anong insekto o mga kahit anong sumisira ng ating mga albums sa bahay o pag corrupt ng ating mga memory cards, USB at pati pagloloko ng ating computers, laptop at mga gadget.
Ang inyong mga memories ay manatiling reachable anytime sa inyong channel at kahit mawala na tayo sa mundo, maa-access pa rin ito ng ating mga anak at apo hanggang mawala na ang internet sa mundo. Walang kalawang, ipis, fungus o kahit ano pa ang makasira sa mga memorabilya ng inyong buhay.
2. Kikita ka pagdating ng araw (Passive Income)
Ang pinakamagandang mangyayari ay magkakaroon ka ng source of income ngayon at pati sa hinaharap. Kung kaya mong trabahuin ngayon para magiging monetized kana at mag-umpisa ng kumita, bakit hindi? Kung hindi mo pa kaya gawin ngayon, tuloy lang hanggang magawa mo. Paghandaan mo ang pagtanda mo, hindi habang buhay may trabaho tayo. Hindi natin kailangang umaasa sa mga anak natin o sa gobyerno sa hinaharap dahil marami ng vehicles ngayon na magagamit para mapaghandaan natin ang hinaharap.
Hindi tayo gaya noon na ang tanging vehicle lang ng ating mga ninono ay ang kalabaw lang at kabayo. Ngayon mayron na tayong kotse, train, eroplano at barko. Nasa iyo na ang pagpapasya kung saan ka sasakay. Huwag manatiling sumakay pa rin sa kalabaw at kabayo, siguradong matutulad ka rin sa mga ninono natin.
Pero kahit gumagamit kana ng makabagong way of transportation o vehicle kung salungat naman ang pinaggagawa mo, hindi parin ito magbubunga ng maganda sayo. Oo, sumakay ka nga ng eroplano pero nasa labas ka naman ng pakpak, siguradong mahuhulog ka at mamatay ka bago kapa dumating sa lupa. Wala ring pakinabang ang eroplano sa iyong buhay. Kaya we need to use our initiative.
Sa palagay mo, saan kaba kikita ng pang matagalan? Sa pagawa ng content o sa pagla-live? Experience based, ang kumikita po ng matagal ay ang pure content. Bihira lang ang Live video na kumikita pa rin after after ng pagla-live. Kaya, kung ikaw tatanungin? saan mo gusto yong pansamantala lang o yong pangmatagalan? Ang pagawa ng content at ang pagla-Live ay halos parehong mahirap gawin. Pero nasa inyo na ang pag-iisip kung saan mo gusto panandalian o pangmatagalang resulta.
Para sa mga hindi na nagla-Live, congrats sa inyong lahat. Maaaring hindi nyo pa maaani ang bunga nyan ngayon pero pagdating ng araw siguradong i-enjoy nyo ang resulat ng inyong hirap sa pagawa ng content. Para naman sa tuloy pa rin ang pagla-live, congratulations! Maaani nyo rin ngayon ang bunga ng inyong paghihirap, bukas o sa hinaharap mayron kapa ring aanihin.....walang iba kundi ang pagsisisi kung bakit hindi mo ginawa ang tama nong kaya mo pa itong gawin.
Hanggang sa muli!
Much love and God bless us all. Keep safe everyone!
16 Comments
Wow sana all may ganyang utak hehe...sana all magaling sumulat..salamat sa another kaalaman...kaya ako upload lang kahit walang kwenta haha.basta may ma upload wala din sa ayos ang pag edit yae na hehe basta may upload
ReplyDeleteOk lang yan, marami parin maloko sa thumbnail...pagandahin mo nalang thumbnail...hehehe
DeleteAwww, iniative hugot spotted. Galing mo magsulat bossing para umaandar yung imagination ko. Kunwari sakay ako sa pakpak ng eroplano. Hahaha
ReplyDeleteHahaha...dipa nakaalis sa erport, natagak naka or gikaon naka sa sabad. Hahahha
DeleteThank you sir s mdming info and tipsbig help tlga.
ReplyDeletewelcome mam, sana nabuksan ang isip mo. Hehehe
DeleteLets GO LIVE pa more 😜😂
ReplyDeleteHahaha, more live pa bro
DeleteSalamat po sir totoo po lahat ng sinabi nyo ang kilangan lang masipag at matiyaga gumawa ng mga content at safe na itago sa YouTube channel natin ang mga memories ng pamilya natin
ReplyDeleteOo mommy, para pagdating ng araw mayron pa rin tayong mga memories na mababalikan at the same time kikita tayo
DeleteAlam naman natin na ang youtube ay talagang content lang pero kong talagang nasa dugo nyo na ang mag live at talaga namang masaya kayo why not.
ReplyDeleteProblema bro, masaya ngayon pero guol tomorrow kay wa nay kita unya ugod2 na, dali na kakaya mobuhat content...ang LS kasi, no LS no income pero ang content, kahit hindi kana gagawa ng content tuloy pa rin ang kitaan.
DeleteStill uploads is the best for passive income..charoootts.
ReplyDeleteupload na rin ako, ayaw ko na mag LS
Deletepwede boat?
ReplyDeleteTama sir ang nashare nu tamsak ako jan
ReplyDelete