PWEDE BANG MAGSUPERCHAT SA SARILI?

Maraming nagtatanong na nito sa akin at marami na rin ang gumagawa nito bago paman nakaisip ang iba na gawin ito sa kanilang mga channel. Oo, pwedeng-pwede magpalipad o magsuperchat sa sariling channel. Ginagawa ito sa mga taong nawalan na ng pag-asa o mga taong nabagalan sa proseso para matanggap na nila ang kanilang mga sahod. Yong tipong atat na atat ng ipagmalaki at ipagmayabang ang sahod mula sa Youtube.

Ilang buwan na ang nakalipas, verified na ang Google Adsense pero hindi pa rin makakasahod. Ang iba naman, mga baguhan at gusto ng sumahod para mayrong magawang content. Ano man ang rason at sitwasyon mo, nirerespeto kita dito pero dapat mo ring malalaman kung ano ang disadvantages kapag ginawa mo ang pagpapalipad sa sarili mo.

Kung baguhan kapa at wala kapang PIN, meaning hindi pa verified ang Google Adsense mo, huwag mo munang itudo ang iyong mga diskarte. I-reserved mo muna ang iyong lakas at galing kapag na-verified kana. Habang hindi kapa verified, wala pang kasiguruhan ang sahod mo. Marami ang nagkakaproblema sa kanilang PIN lalo na ngayong panahon ng pandemic. 

Hindi lahat mapalad at nakakatanggap ng PIN agad-agad gaya namin dati, we back on year 2008. Yes, I was  verified on year 2008 dahil sa blog ko hindi sa Youtube channel ko. Kaya hindi na ako makaka-relate sa mga hirap na dinadanas ng mga bagong blogger at Youtuber ngayon.

Ang pagpalipad sa sariling channel o pag SUPERCHAT sa sarili ay maraming hindi magandang idudulot sayo at sa channel mo. Masasabi natin itong "Good intention in a wrong way". Ito rin ang tinatawag natin sa tagalog na "Mabuting hangarin sa maling paraan". Pansinin ang mga sumusunod:

Una, hindi buong halaga na pinapalipad mo ay papasok sa iyong revenue. Lalo na sa mga walang alam, binibilang ng karamihan ang real amount ng kanilang superchat expecting na yon din ang papasok sa kanilang account. Laking gulat nila dahil napakalayo ang pumasok kay sa total ng mga napalipad ng kanilang mga organic na kaibigan at viewers. 

Almost 40% ang mawawala sa inyong natanggap na superchat kaya kung ikaw din mismo ang nagpapalipad sa iyong sarili, talo kana. Sino ang panalo? syempre si Youtube ang panalo dahil halos kalahati napupunta sa kanya. Parang sarili mo lang pera ang pinapa-sweldo sa iyo. Ang masama pinagkikitaan ka ni Youtube. Hindi lang sarili ang niloloko mo pati rin yong mga viewers mo.

Pangalawa, madismaya ang mga viewers mo lalo na yong may mataas na expectation sayo na  gumagawa ka ng hindi pabor sayo para lang makakasahod ka. Ang masaklap doon, taas noo mo pang ginawan ng content na akala mo, nakuha mo ang iyong sahod sa tulong ng iyong pagsisikap.

Ano pa man yang rason mo, kung ako sayo huwag na huwag nyo itong gawin sa sarili mong channel. Huwag nating lokohin ang sarili natin at pati yong mga viewers natin. Inaakala nila na mula sa ibang tao ang palipad pero galing pala sa iyong sariling bulsa. Ano kaya ang iisipin ng mga taong nakakilala sa iyo?

Gawin ang tamang proseso para sumahod tayo dito sa Youtube. Huwag gumawa ng shortcut na tayo din mismo ang nadidihado. Upload lang ng uploads at marunong din tayong sumuporta sa mga taong sumuporta sa atin. Kapag ginawa mo yon, hindi magtatagal makakasahod ka rin.



Post a Comment

16 Comments

  1. Dami gumagawa nyan, para lng un na me paninda ka tpos ikaw din bumibili sa sarili mong tinda para lng masabi na meron kng binta hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala, ang pangit naman...panloloko yon sa sarili. Hehehe

      Delete
  2. Nobody learns without getting it wrong!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang problema, hindi nila alam na wrong yong ginawa nila

      Delete
  3. Ang magsusuperchat sa sarili ay parang buang.

    ReplyDelete
  4. Nag gisa sa sariling mantika😂
    Ano yun imbes na kumita lalong lumaki gastos kase yung pinalipad mo sa sarili mo kalahati nalang babalik sayo..ay buang nga 😂

    ReplyDelete
    Replies
    1. makakabawi naman daw dahil malaki kikitain sa content na gagawin na ipapakita sa maraming viewers nya na sumahod siya

      Delete
  5. Meron talaga gumagawa ng ganyan? Di ba napansin ni Google yan? O hinahayaan kasi nga negosyo nmn lahat ng ito di po ba?

    ReplyDelete
  6. Huwag lokohin ang sarili para lang may maipag mayabang hehe salamat sa pabasa bossing

    ReplyDelete
    Replies
    1. sakto po. huwag lukuhin ang sarili at ang mga tao

      Delete
  7. Masyado naman un paliparan mo ba ang sarili hahahaha parang iwan lang kung maitatawag dun sa nag palipad sa sarili nya TANGA un hahahaha

    ReplyDelete
  8. work hard in silence and let your success make its noise.

    ReplyDelete