SLOWLY BUT SURELY | AVOID YOUTUBE SYSTEM MANIPULATION

In relation to our previous post tungkol sa FAKE ENGAGEMENT, mas maliliwanagan tayo ngayon dahil mayron tayong nakuhang sulat mula mismo sa Youtube Investigation Team at ipinaliwanag nila ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong pagkakataon. Ito ay lesson learn para sa lahat na gumagawa ng paraan sa sarili nila para lumaki ang kanilang revenue. Ilang beses ko na itong sinasabi sa aking LIVE na huwag subukang i-manipulate ang system ni YT at GA dahil mas mautak sila sa atin.

Kung inaakala nyo na maiisahan nyo si YT at GA, nagkakamali kayo dahil marami ang utak ang nasa likod nila compared sa atin na nag-iisa lang at minsan makakalimutin pa. Hehehe Sa totoo lang hindi masyadong malupit at mahigpit si YT ngayon dahil nakuha pa nitong magpatawad. Hindi gaya dati once na detect nila na mayrong ginawang kababalaghan, automatic papaluin ka kaagad.

Sundan nating mabuti ang sulat mula sa Youtube Team tungkol sa nangyaring problema sa analytics ng isang Youtuber. Hindi basta-basta ang Investigation Team ni YT, wala sa katiting ang mga utak natin compared sa kanila kaya mag-ingat po tayo. Sa mga nagbabalak na gumawa ng hindi kanais-nais, maghunos dili na kayo para hindi kayo mawawalan ng kinabukasan.

Ang letter sender na isang Youtuber ay itatago natin for privacy reason. Please huwag kayong magmadaling kumita ng malaki. Darating ka rin dyan kung patuloy kang magporsige huwag mawalan ng pag-asa. Bilang isang small Youtuber, hindi madali abutin ang malaking revenue pero mayrong legal process po para maabot ito at unti-unti ko itong inilalahad dito. Buti nga kayo mayrong nag-guide sa inyo, samantalang nong nag-umpisa kami wala pang masyadong mapapanood at mababasang guide pero hindi namin sinubukan i-manipulate ang system dahil tinitingnan namin ang LONG RUN effect ng aming pagsisipag at pagtitiyaga. 

Hindi lang ikaw ang makinabang sa Youtube channel mo. Dahil isa itong uri ng passive income, pwede mo itong IPAMANA sa kung sinong gusto mong pamanahan. Kaya maging cool lang tayo at huwag magmadali dahil yong mga gusto ng malaking kita sila ang kadalasang nawala dito sa mundo ni Youtube. Kaya maghinay-hinay lang.

Unti-unti nating palalakihin ang maliliit nating revenue. Hindi yong malaki paliliitin natin hanggang tuluyan ng mawawala. Again, ang YT ay magandang investment na hindi mo na kailangang magpaluwal ng malaking halaga para kumita ka. Mag-uploads ka lang na mag-uploads, siguradong kikita ka pagdating ng araw. Kung consistent kang mag-upload, makikita ka rin ni Youtube. Be patient!

MAGHINAY-HINAY LANG TUNGO SA MAGANDANG KINABUKASAN!


Ito po yong unang response mula sa Google Youtube Team. Abangan sa next post namin ang findings ng mga investigating team tungkol sa kanilang natuklasan regarding sa problema na kinakaharap ng isang Youtuber. Performance Diagnosis done at latter part of the email. 


Hi there,

Thank you for reaching out to us.

I understand you're having an issue on your channel revenue. 

I've already investigated your channel revenue and it seems we need to route this case to our specialized team in Performance Diagnosis. This might take upto 24-48 hours for them to conduct an investigation. 

If you have other questions, feel free to respond to their email.


Google Youtube Team 

Post a Comment

25 Comments

  1. Replies
    1. oo naman...kahit usad pagong pa yan...basta sureball ang kita

      Delete
  2. Tama sir Ang nagmamadali pagnadapa mas masakit,,hihi thank you s lahat Ng info💓

    ReplyDelete
  3. Slowly but surely gyud.. Thanks sir for the guidance

    ReplyDelete
  4. Salamat sa pabasa Bossing. I've learned a lot.

    ReplyDelete
  5. Masarap ang dahan dahan para lasap na lasap ang kaligayahan! Ummmmm ahhhhh. 😜😜

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha ang galing mo talaga bro basta dahan-dahan ang pag-uusapan. Hahaha

      Delete
  6. Kaya ayaw ko mag madali baka mawala agad sa mundo kawawa naman ng nagmamahal sakin 😂😂

    ReplyDelete
  7. Small steps in the right direction can turn out to be the biggest step of your YT journey. 😉

    ReplyDelete
  8. It doesn't matter if it runs slow, as long as it doesn't stop ;)

    ReplyDelete
  9. Nag hinay hinay na nga ako sir wala na ako halos upload sa subrang hinay ko hahahahaha .

    ReplyDelete
  10. bakit pa kc gagawa ng kababalaghn di nalang maghintay total darating rin naman tau sa gusto nating narating basta magtyaga lang at magsipag

    ReplyDelete