Mula pagkabata palagi ng tinuturo sa atin ang negatibong mindset. Halos bawat galaw at hakbang mo, palagi mong maririnig mula sa paligid mo ang salitang "NO". Ang NO ay isang negatibong mindset na kahit malaki na tayo ay dala pa rin natin. Ito ang dahilan kung bakit kahit anong gawin mo para maniwala ang isang tao, 99% pa rin sa kanila ay mag NO sayo. Hindi natin sila masisi dahil dalang-dala pa rin nila ang mindset na yan sa kahit anong larangan ang tatahakin nila.
Ang tao ay unique kaya may kanya-kanya tayong pagmumukha, pagalaw at lalo na sa pag-iisip. Kahit tama yong ginagawa mo, majority sa mga tao hindi ka pa rin paniniwalaan. Pero saan kaba magpapa-apekto sa negatibo o sa positibo? Kung positibo kang tao, siguradong sa positibo ka rin sasama dahil kung sa negatibo ka, magiging isa kana rin sa kanila.
Kung papansinin natin ang mundo, karamihan sa mga nag-succeed ay lahat positibo. It means, wala talagang nag success sa anong larangan na sa umpisa pa lang ay negatibo na. May kanya-kanya tayong interpretasyon sa success. Yong iba makakain lang ng talong beses sa isang araw, kontento na sila.
Samantalang ang iba naman, makakain ng tatlong beses sa isang araw at makapag meryenda ng dalawang beses - OK na sa kanila yon. Pero marami ang ayaw sa dalawang nabanggit, gusto nila mas angat pa doon.Marami ding mga tao na kahit wala pang napatunayan sa pinasukang larangan, ang tingin sa sarili nya alam na nito ang lahat. At sila din yong palaging against sa mga magagandang plano dahil gusto nila na sila ang susundin instead na yong ibang tao. Ang iba din, ayaw nila matuto dahil simulat sapol hindi ito pabor sa pinaplano nila.
Iba't-ibang tao, iba't-ibang plano pero iisa lang ang pwedeng patutunguhan at yon ay ang magandang kinabukasan. Kung sa tingin mo kaya mo ng mag-isang tatahakin ang daan tungo sa gusto mong puntahan, go for it. Siguradong walang hahadlang sa iyo!
One thing kung bakit marami ang negatibo sa mundo ito'y dahil sa EGO and PRIDE. Maraming mga tao na ayaw nilang malalamangan. Lalo na kung nakikita nila na ang isang tao ay umaangat tapos siya ay pababa ng pababa.
Ako yong taong hindi marunong mainggit sa kapwa. I am born competitive pero hindi ako marunong mainggit, lalo na sa mga kaibigan at kasamahan ko. My full support will always be there sa kung sino ang mag-succeed.
Kaya hayaan nyo lang kung sino yong nagmamaronong at nagmamagaling sa paligid. Huwag pansinin dahil sa ayaw at sa gusto natin magkikita din tayo sa finals at I rest assure isa ako sa mga winners.
Kaya maniwala kayo sa may napatunayan na. Pero pwede rin maniwala kayo sa mga nagmamarunong para sa huli, marami na kayong walang mapapala. Hehehe... Anyway, I am not aiming to be famous at mas lalong ayaw kung maging mayaman. Sapat na sa akin ang makakain tatlong beses sa isang araw at makapag meryenda ng dalawang beses. Basta ang importante, I am happy kasama ang pamilya.
I can work a better company kung gugustuhin ko at I can run a business kung gustuhin ko rin dahil lahat yon ang pinagdaanan ko kahit limited lang ang pinag-aralan ko. By the way, hindi ako graduate ng any 4 years course. Diploma lang ang nakuha ko pero nakapagtrabaho na akong ng magandang trabaho at lumalaki na rin unti-unti ang aking negosyo. Kung gusto kung magpapayaman, I think kakayanin ko pero aanhin ko ang maraming pera kung hindi naman ako masaya na kasama ang buong pamilya.
Ipinanganak akong mahirap kaya sanay ako sa buhay mahirap. Nagkataon lang na madiskarte ako kaya hindi ako nagugutom. Palagi nating tatandaan, hindi oobra kung ang hawak mo ay magaling lang. Dapat marunong ka talagang dumeskarte. Sa mundo ng puno ng kakopetensya, kung hindi ka marunong dumeskarte -siguradong maiiwan ka.
Kaya kahit hindi ka magaling basta may alam kang kunti at madiskarte ka, sure akong kung hindi ka man yayaman - malamang maginhawa ang iyong buhay. Huwag hayaang iiral ang iyong pagka-negatibo since noong bata ka pa at mas lalong huwag nating pairalin ang ating pagkamayabang.
BE POSITIVE and WAIT UNTIL YOU BECOME!
11 Comments
Ing-ani ko sometimes bossing thinking negative.I will change it anytime.Thank you for always giving us a strength to succeed our yt world..yeah.
ReplyDeleteThink positive always...kahit medyo nasa alanganing sitwasyon kana.
DeleteHahaha nase sense mo sir ang ngyyri sa pligid at s mga umaaligid
ReplyDeleteHindi ko na sense...talagang mangyayari yan..kaya sinadya kong pagbigyan sila...tingnan natin kung anjan pa rin ba sila hanggang sa susunod na taon. Hahaha
DeleteKaya akoy sayo ay salamat sa full support kuya
ReplyDeleteBilisan mo na ang iyong pag mone para akoy makapahinga na..Hahaha
DeleteSalamat sir
ReplyDeleteHala, sino man ito?
DeleteAlways be positive, coz there will always be a way in any situation.
ReplyDeletesakto bro, kahit sige brownout diri looking forward gihapon sa maayong panghitabo. Hehehe
DeleteI am not a positive person, i just always ask for God's help. Kaya i also want to be with positive and cheerful people, to give a different outlook in life.. sunrisesmiles
ReplyDelete