Marami ang naniniwala sa katagang ito dahil aanhin mo ang maraming pera kung ikaw ay mayrong sakit. Ang masaklap pa doon, aanhin mo ang maraming pera kung wala ka na. Sabi ng karamihan, "di bale ng walang pera basta healthy" ay sapat na. Pero mas da best pa rin ang katagang "Healthy kana may pera ka pa".
Marami ang dahilan kung bakit nagkakasakit ang tao, pwedeng: genetic, lifestyles, stress, pagpapabaya sa sarili at marami pang iba. Kadalasan sa mga sakit ay umaataki nalang sa atin ng hindi natin alam. Magugulat ka nalang na sumisikip na ang dibdib mo, mag collapse at marami pang mga symtoms na lumalabas na minsan hindi natin napapansin dahil sa kapabayaan natin sa pangangalaga ng ating sarili. Hindi ako health expert kaya limited lang ang ideas ko tungkol dito.
I'm bringing this attention to all my Organic Members and Family na mahalin at pangalagaan natin ang ating mga sarili. Kung mapapansin nyo, nagiging abnormal na ang ating pagtulog, pagkilos at pati pag respond sa mga bagay-bagay sa paligid natin dahil sa sobrang babad na natin sa internet, specifically sa Youtube. Kulang na tayo sa tulog at palaging balisa kung hindi makakapag Youtube. Hindi na buo ang araw natin kung walang napuntahang Live Stream at nami-miss na natin ang mga tsismisan sa mga LIVE kahit nasa work ka or nasa hang-out ka with your family and friends.
Hindi naman tayo ganito dati, di ba? Alam ko karamihan sa inyo ay naninibago sa mundo ng Youtube at halos lahat din sa inyo ay pinasok ang YT, umaasahang kumita ng pera para makaipon or gusto nating magkakaroon ng passive income. Yong tipong, tulog ka pero kumikita kapa rin. Pero paano mangyayari yan kung ang ating KALUSUGAN ay ating napapabayaan. Karamihan sa atin nagiging kulang na ang tulog dahil gusto sumuporta sa mga kaibigan natin na mga small Youtuber.
Para naman sa mga kababaihan, nakakalimutan na ang DAILY ROUTINE para ayusin at pagandahin ang sarili. Nong hindi pa nag YT, gabi-gabi nila itong ginagawa pero ngayon hindi na dahil tinatamad or kinulang na ang oras na gagawin pa ito at naghahabol na ng oras para makuha ang saktong oras sa pagtulog. Masaklap, kahit gustohin mang matulog ng mahaba, hindi na rin magagawa dahil kailangan ng bumangon at magtrabaho o iikot para susuporta sa kapwa organic family.
Para sa mga monetized channel, do you think na compensated kayo sa hirap at sakripisyo na inyong ginagawa araw-araw sa Youtube? Alam ko karamihan sa inyo, nagiging porsigido lang mag Youtube simula nong nagka COVID-19 tayo at karamihan sa inyo wala masyadong alam tungkol sa kalakaran sa YT. Kung dati pumapasok ka sa Youtube para manood at mag-enjoy pero ngayon hindi na. Nandon na yong pressure at stress, lalo na unti-unti mo ng natuklasan na hindi pala ganun kadali ang magiging Youtuber.
Hindi importante kung gaano kalaki o kaliit ang ating kita sa Youtube. Ang importante, kumita ka na hindi nasakripisyo ang inyong kalusugan. Huminto ka muna at mag-isip, tama ba ang iyong pinaggagawa ngayon? Hindi mo ba napapabayaan ang iyong sariling kalusugan? Baka magigising nalang tayo sa isang araw, may sakit na tayo dahil sa kapabayaan natin. Hoping to earn more pero ang ending, yong kinita mo kulang pala ipambibili mo ng gamot kapag nagkasakit kana.
Isa sa mga halimbawa na nakakuha ako ng aral at leksyon ay ang nangyayari kay "EmmanNimedezTV". Siya ay napakasikat na sa larangan ng Youtube at mayrong 2.73M subscribers. Nagulantang ang lahat at hindi makakapaniwala na nangyari sa kanya iyon. Sinong mag-aakala na magkakasakit sya ng ganun, sa liksi nya dala na rin ng kanyang edad na bata pa compared sa atin pero dahil sa siguro napabayaan ang sarili dahil nagiging busy sa pagba-vlog ay naging sanhi ito na magkasakit sya at binawian ng buhay.
Siguro isa sa mga dahilan din ng pagbagsak ng kanyang katawan ay sa pagiging busy sa kanyang daily activities lalo na pagdating sa kanyang content at pag-asikaso ng kanyang mga fans. Ang laki na ng kanyang kinita at ang dami na nyang tagasuporta pero nagiging baliwala ang lahat nong nag-umpisa na siyang ma confined sa ospital hanggang siya ay namatay. Nakakapanghinayang, sobrang bata nya pa para mawala at marami pa sana siyang matutulongan at marami pa sana siyang mapapasaya.
Ang nangyayari kay Emman, ang nagtulak sa akin para baguhin ang takbo ng aking daily activities sa YT na medyo napansin kong nagbago ng aking pang araw-araw na pamumuhay. Habang maaga pa, we need to be aware sa mga chances na maaaring mangyayari sa atin kung patuloy nating gawin ang ikakapahamak ng ating kalusugan at buhay.
Starting October 1, UPTV Organic Family will do a DRY RUN para sa ikakabuti ng ating kalusugan at paghandaan ang mga bagay na makakatulong sa ating YT journey na hindi masakripisyo ang ating buhay. Inaanyayahan ang bawat isa na makiisa at labanan natin ang maaring idudulot na masama sa ating kalusugan.
Our goal ay maiwasan ang stress at pressure sa mga LS at premiers. Dahil sa kagustuhan natin na masuportahan at dumami ang viewers, nakalimutan natin ang tamang gawin para maiwasan natin ang pagbagsak ng ating katawan at kalusugan. Always remember, "No sickness, doesn't always means you're healthy". Ang sakit ay umaatake sa atin sa hindi inaasahang pagkakataon.
Aanhin natin ang maraming pera, aanhin natin ang maraming subscribers kung sa bandang huli ay kataposan mo. Iwasang magkasakit at mas lalong iwasang ma-stress dahil ito ay mayrong masamang idudulot sa ating kalusugan.
Much Love and God bless us all. SMOSO everyone.
6 Comments
Super agree to you bossing.i dont want also tl sacrifice my life due to yt activities and I will change my routine to keep my body healthy.Thank you for being caring to us bossing..lablab
ReplyDeleteThat's only a reminder dahil marami na rin ang nakalimot, kahit ako minsan ko na rin itong ginawa pero I feel na hindi ako compensated sa pinaggagawa ko. 4 months in trial is already enough. Thanks all. Thank you. Hehehe
DeleteThese will serve as an eye opener for everyone who is uncontrollable in their yt activities. Excellent choice of content. Big up!
ReplyDeleteMaong dli nako magbabad ug maayo sa YT unlike before..stress ug pressure na kon pareho sauna...upload tag daghan mara lingaw ug makakwarta
Deletehumana basa. gihangak kog binasa
ReplyDeleteMurag tigols kay hangakon
Delete