Automatic Bang Magpadala ng PIN si Youtube Kapag Mayron Kanang $10 Na Revenue?

Ito ay tanong ng karamihan lalo na sa mga baguhan palang sa Youtube o mga bagong monetized channel. Marami din kasing nagsasabi na kapag mayron ka ng $10 sa iyong YT revenue, pwede ka ng magrequest ng iyong PIN. Ang iba din, automatic daw ipapala ni Youtube yon basta na reached mo na ang required amount ng revenue. Sa mga sabi-sabi na ito ay lahat po hindi totoo. Hindi si Youtube ang magpapadala sa iyo ng PIN kundi si Google Adsense.

https://youtu.be/cqLX6cLBLKk

Paano ba mangyayari yon? Ang mga ads or advertisement na lalabas sa ating mga videos ay hindi pagmamay-ari ni Youtube, ang mga ads na iyon ay mula kay Google. Ang mga advertisers ay papasok muna sa Google Adwords at doon nila gagawin ang kanilang mga advertisement at si Google Adwords naman ang  magpapadala nito kay Youtube kaya kailangan nating mag-apply ng Google Adsense account para magkakaroon tayo ng ads at sasahod tayo kapag ma-reached natin ang minimum threshold ni Google Adsense.

Ngayon alam mo na, na hindi si Youtube ang magprocess o magpapadala ng inyong PIN kundi si Google Adsense. Maaari bang ipapadala ang PIN mo anytime without any requirements? HINDI. Kailangan munang mayrong papasok na atleast $10 sa iyong account bago i-process ni Google Adsense ang iyong PIN. Hindi ibig sabihin na mayron kang $10 sa iyong Youtube revennue papadalhan kana agad. Tulad ng sinabi ko, hindi si Youtube ang gagawa ng inyong PIN kundi si Google Adsense.

Halimbawa, na monetized kayo sa buwan ng September. Si Youtube ay mayrong cut-off every month end. Yong kinita mo sa buong buwan ng September, ay iiponin yon at mostly ang last update ng ating mga revenue ay after 2 days. Although, hindi naman ganito palagi pero para malalaman nyo, kindly check you YT analytics. Ngayon ay October 1, 5:18am Philippines Standard Time. Dito sa akin ang last update ko pa ay September 28, behind ito ng dalawang araw. Ibig sabihin nito, ang update ng aking last day of September ay sa October 3 pa -saka ko malalaman ang monthly Total Revenue ko for the month of September.

From October 3-10, i-double check ni Youtube at Google Adsense kung mayrong hindi ka nais-nais na nangyayari sa buong buwan mong Youtube activities. Makikita din nila kung mayron kang ginagawang labag sa policy at guidelines sa Youtube Partners Program o YPP. Sa period na nabanggit namin, kung nakita nila na mayron kang ginagawang mali or manipulation sa kanilang system, kung minor lang ibabawas nila ito sa iyong monthly revenue pero kung malaki -mayron kang sanction na matatanggap mula kay Youtube.

Kung sakaling nakita din ni Youtube at Google Adsense na isa sa mga araw noong September pumalya ang kanilang system at mayron kang mga earnings na hindi napasama sa calculation, idagdag ni Youtube yan sa monthly revenue. Meaning sa period na ito from 3rd -10th of the month, ang iyong revenue ay pwede mabawasan, madagdagan or same pa rin.

On 11th or 12th of the month, yong buong kinita mo sa buong buwan ay ipapasok na ni Youtube sa iyong Google Adsense account. Dahil October na ngayon, sa October 11 or 12, pakisuyong tingnan o mag log-in kayo sa iyong Google Adsense para malalaman na pumasok na yong REVENUE mo for the month of September mula sa Youtube doon sa Google Adsense account mo.

Kung ang total monthly revenue na pumasok o ipinasok sa iyong Google Adsense ay atleast $10, kinabukasan noon ay gagawin na ni Google Adsense ang iyong PIN. Pagkatapos ng 2 or 3 days, ipapadala na ni Google Adsense mo ang iyon PIN. At sa araw ding iyon makakatanggap ka ng EMAIL mula kay Google Adsense na your PIN has been sent through registered mail.

Sa POST OFFICE dadaan ang ating mga PIN kaya wala itong tracking number. Ang PIN ay ADDRESS VERIFICATION ng bawat Google Adsense account holder. Sa ngayon, maraming bansa ang nahihirapang makatanggap ng kanilang PIN dahil na rin siguro sa security measure ng bawat bansa para labanan ang COVID-10.

Kapag mayron ka ng email na pinadala na ang iyong PIN sa address na nakalagay sa iyong Google Adsense account, mag-antay kayo ng 2-4 weeks para matanggap ito. Kung after 4 weeks wala pa rin ang PIN mo, you need to do another thing para may chance pa rin makuha mo ang iyong PIN. Abangan ang susunod namin post tungkol dito.

Much Love and God bless us all. Keep safe ka-RP.

Post a Comment

8 Comments

  1. Sana okey...haha.

    Bitaw,such an important information especially sa mga hindi nakakaalam na mga youtubers.This is very informative and madaling maintindindihan.Thank you for sharing bossing.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Na-topic ko na ito ilang beses na sa aking LS...pero mas magadan pa rin kung isulat para madali lang hanapin. Marami pa rin kasing baguhan lang sa aking LS at sa organic family. Anyway, salamat ng marami.

      Delete
  2. Thank you for sharing such an informative info. These will help answer the question of the newbies in yt world. #OneLove!

    ReplyDelete
  3. Thank you Kuya di na ako magtatanong kundi dito ko nalang babasahin ulit...

    ReplyDelete