Karamihan sa mga small Youtuber gaya ko ay naghahabol talaga ng magandang revenue. Kapag maganda ang revenue, malaki din ang kikitain. Kapag mayrong kita, sure na sure ang sahod buwan-buwan. Sa umpisa, mahirap kumita sa Youtube lalo na kung hindi mo pa gamay ang kalakaran at ang mga stratehiya para makakuha ng maraming views sa ating mga uploads.
Hindi direktang si Youtube ang magpapasahod sa atin. Yong mga ads na mapapanood natin sa ating mga uploads ay mula mismo kay Google. Ang may hawak at magpapasahod sa mga Youtubers, walang iba kundi ang Google Adsense. Walang certified Youtubers na hindi kilala si Google Adsense, lalo na yong matagal ng tumatanggap ng sahod.
Kung ikaw ay verified na kay Google Adsense, qualified kana para makakatanggap ng sahod mula sa kanila. Kahit verified kana sa kanila pero hindi ka naman umabot sa required minimum threshold, hindi kapa rin makakasahod. Magkano ang kailangan para sumahod kay Google Adsense? To know paano makuha ang PIN para sa address verification, pakisuyong basahin ang link na ito: Please Click Me
Ang minimum threshold or minimum payout ay $100. Kung ang laman ng inyong balance ay hindi umabot sa nabanggit na amount, kailangan mong mag-antay ng another cycle or buwan para madagdagan ito hanggang umabot sa $100 bago ka makakasahod. Walang limit kung kailan nyo mabuo ang iyong minimum threshold na $100.
In every 11th or 12th of the month, papasok sa iyong Adsense account ang kinita mo mula sa Youtube. Kung sakaling naabot mo ang minimum threshold na $100, agad ba itong ipapasok sa ating bank account? Hindi. Magbibilang kapa ng another 10 days bago nyo matatanggap ang iyong sahod mula kay Google Adsense.
Bilang isa sa mga Google Adsense holder na regular nakakatanggap ng sahod every month, ang sahod natin ay usually papasok sa 22nd up to 25th of the month. Depende ito sa bansa kung saan ikaw naka based at sa iyong bank. Weekend date ay hindi kasama sa counting ng days. Ang sahod ay papasok sa ating mga bank account during working days.
Maintain atleast $100 revenue mula kay Youtube para buwan-buwan kayong makaksahod. Ang pagiging consistent sa pag-upload ng mga videos ay magandang paraan para lumaki ng mabilis ang iyong revenue. Of course, there's a lot of factors na kailangan mong i-consider para magkakaroon ka ng viral at trending videos. Kung sakaling magkakaroon ka ng kahit isang viral video, tiba-tiba ka sa revenue nito.
Abangan sa susunod namin mga updates ang tungkol sa kung paano tayo magkakaroon ng magandang revenue every month.
Much Love and God bless us all. Keep safe everyone.
6 Comments
Good read. To know about how to earn in YT. Thank for sharing kuya. Big up!
ReplyDeletesalamat bro sa walang sawang suporta... #smoso
DeleteSana okey ma mone na ako at magkasahod na..chaaarrss.
ReplyDeletemone mone usa ka karon diha mam ann...
Deletesoon i will earn in youtube.pag may tiyaga may nilaga..basta bossing.hihihi
ReplyDeleteOo naman, on the way kana...para kumita.
Delete