Paangat Program sa YT -Kataposan Na Ba?

Bali-balita ngayon ang isang BIG ISSUE tungkol sa PAANGAT PROGRAM. Nag-uumpisa ito sa isang Live Stream na mayrong isang Kababayang Pinay mula sa ibang bansa na nag superchat daw ng P25.00 pero dahil hindi napansin ng host buong akala nito na minamaliit ang kanyang palipad. Nagagalit ito at ini-report agad ang Live Stream na yon. Gaya ng iba pang mga Youtuber, sana hindi muna idinaan sa init ng ulo at sana hindi nalang nya ini-report dahil maaari itong isang dahilan na mawawala na ang paangat at mawawala na rin ang pakikipagdikitan.


Sa mga hindi pa alam ang ganitong kalakaran sa Youtube, malaki po ang maitutulong nito para mapabilis ang pagkakaroon mo ng 1K subscribers at 4K watch hour. Dahil sa ginawa ng ating kababayan, ikinalulungkot at ikinatatakot ito ng karamihan lalo na sa mga channel na nagpapaangat. Ito din daw ang dahil kung bakit halos araw-araw ay nalalagasan ang karamihang mga channel na nagpapaangat at yong mga dumidikit gamit ang mga link na ibinababa sa during LIVE STREAM.

Wala pa namang sinabi si Youtube sa ngayon pero yong LIVE STREAM na isinumbong ay binubura ni Youtube. Nagtrending tuloy ang email na yon dahil baka ito na ang hudyat na mawawala na ang mga paangat live stream. Ang UPTV Organic Family Live Stream ay hindi po nagpapaangat at simula pa noong unang araw nito na nagla-live stream hindi na talaga ito nagpapababa ng link.

Si UPTV ay hindi naman nalagasan ng subscribers at wala ding nabawas sa aking REVENUE. Kung sakaling ipagbabawal ang LINK sa chatbox during Live Stream, hindi apektado ang live ni UPTV dahil sanay naman ang mga members na makipagdikitan ng manual. Ang maninibago yong mga LIVE na nasasanay na sa pagbaba ng LINK.

Sa side naman din namin, mas gusto talaga namin na walang link at manual search ang gagawin bago didikit. Tinatawag namin itong "galawang organic". Ang YT journey ay hindi madali, marami kang pagdadaanan hirap at kasama na rito ang pakikipagdikitan. Based sa experience ng karamihan sa organic family, madali ngang dumikit sa link pero nalalagas naman ito kalaonan kaya mas mabuti pang magtiyaga nalang sa manual searching kahit medyo nahirapan ka pero sulit naman at hindi agad ito malalagas.

Anyway, balik tayo doon sa isyu ng ating kababayang Pinay at sa Live Stream na kanyang isinumbong. Para sa akin parehong may mali ang dalawa pero pwede namang mapag-usapan at hindi agad magreport. Ako nga nasubukan kung mag member sa isang channel, at hindi ako pinansin kahit member na ako pero hindi ko inireport ang channel na yon. Nag Level 2 po ako sa kanya at â‚±199.00 po ang binayad ko. Matagal mawala ang membership sa chatbox pero hindi nya ako pinansin. Instead, sinabihan pa ako na magbaba ako ng LINK. 

Kaya nga ako nag member dahil hindi ako nagbaba ng link, sana man lang ma-promote nya ang channel ko pero hindi nya ginawa yon. Kahit disappointed ako, hindi ko siya ni-report na pwede ko rin naman gawin at hindi ko rin siya "tinuwaran" dahil hindi ko po ugali gumawa non sa kapwa Live Streamer. Umalis nalang ako at kinancel ko ang aking membership para pagka next month hindi mababawasan ang aking account dahil naka auto-renew sila dahil palaging may laman ang aking debit card para sa membership.



Sana yong Kababayang involve ay hindi nagpadala sa bugso ng kanyang damdamin. Dahil hindi rin biro ang kalagayan ng isang host lalo na sa mga paangat dahil baha po ang link sa chatbox at ang bilis pa ng flow. Sana man lang naintindihan din nya pero kung hindi siya live streamer, malamang hindi nya ito mararamdaman. 

Bilang Live Stream, hindi ko talaga alam kung bakit nakakapagod ang pagla-live. Kung ako ang papipiliin mas gusto ko wala nalang live kaso bumaba din ang revenue natin lalo na kung mayrong malaking impact sa revenue mo ang iyong channel membership. Ang madali lang kasing perks na magawa mo sa iyong member ay i-promote ang kanilang channel. Ang promote ng channel ay mas madali at mabilis through live streaming.

Mahirap talaga ang papel ng isang HOST. Kahit ako na ayaw magkamali, minsan na rin akong hindi nakapansin ng superchat.  Mabilis ang flooding ng aking chatbox kahit walang link at habang wala sa monitor ang aking mata, dahil meron akong kinuha sa kusina pagbalik ko wala akong nakitang superchat. Ang mali ko naman doon hindi ako nag read back. Muntikan ng umiyak ang nagsuperchat. I was lucky dahil mabait ang nagsuperchat at regular superchatter ko na rin naman sya bago nangyari yon. 

Hindi ko masisi ang host at mas lalong hindi ko rin masisi ang Kababayan nating Pinay. Medyo mataas lang siguro ang kanyang expectation. Hindi naman siguro minamaliit ng host ang kanyang superchat pero sana bago nya ni-report kinausap muna niya ang host. Lahat naman ay pwedeng mapag-usapan. 

Sana hindi ipapataw sa lahat ang nangyaring hindi maganda sa channel na iyon. Kung sakaling maghigpit si YT at bawal na ang paangat siguradong marami ang maaapektuhan, lalo na yong kakaumpisa pa lang. Sa ngayon tuloy pa rin ang paglalagas ng mga subscribers ng karamihan. Malaki ang pasasalamat ko dahil hindi ako napasama sa mga binabawasa.



Paangat bawal nga ba? https://youtu.be/iaScErFXlbM

Post a Comment

8 Comments

  1. Hindi nko ngllgas din kasi hindi ako nsg iisda pero may nadadagdag din

    ReplyDelete
  2. Yan ung mga uri ng tao na ggwa sa kapwa na may kplit na hangad at kung hindi mbigyan yon na gglaw n ng hindi nararapat kakatkot mga ganyan tao mksma

    ReplyDelete
  3. Agiii...take advantage pod kaayo ang host nga ing ani..gaba is on the way kong mao na ron.

    ReplyDelete
  4. Agoy agoy buti hnd ako nalagasan kawawa nmn ung nagstart plang

    ReplyDelete
  5. Kilala ko yun UPTV haha
    Yung hambog na babaye
    #CEL

    ReplyDelete
  6. No fishing. No lagas. No problem! Lol

    ReplyDelete
  7. It wasn’t me! People should learn how to treat conflicts like a dog does- pee on it and walk away!

    ReplyDelete
  8. Ng dahil sa kababaang loob mo sir nung hindi ka pinansin dun isang pinag pa memberan mo,tingnan nyo naman po ngaun kahit d kayo nangingisda nagdagdagan ang mga subscriber nyo kasi po naniniwala po talaga ako sa sinasabi na ang nagpapakababa ay siyang tinataas ng Diyos.. Ngaun po ung kababaang loob nyo po sir ang nagdadala sainyo ng tagumpay.

    ReplyDelete