Paano Ang Kitaan Sa Youtube?

Isa sa mga dahilan kung bakit dumadami ang mga content creator ngayon sa Youtube dahil ito ay isang uri ng PASSIVE INCOME. Kahit natutulog ka basta marami ka nang uploads o videos sa iyong channel patuloy itong kumikita kahit hihinto kana sa pagawa ng mga videos basta ang iyong mga uploads ay lumalabas sa recommended ni Youtube at nangunguna sa search engine ni Google at Youtube as well.

Kung nakapag-established kana kay Youtube napakadali lang talaga ng income at hindi mo na kailangan pang maghihirap pa sa kaka-promote at kaka-upload. Basta nagamay mo na ang lahat, napakadali nalang at pwede kanang mag hire ng taga kuha ng videos at taga edit mo. Sa umpisa lang naman mahirap dahil hindi mo pa kabisado. 

Sa ngayon, mayron na akong tatlong Youtube channel na monetized, namely: USAPANG PERA TV, Congregation Vlogs at GSMUNITED. We are working sa another channel pare maging monetized na rin ang MRS. USAPANG PERA TV at BROSMIGUEL (My Son's Channel). Kung kaya nyong i-handle ang maraming channel, gumawa pa kayo ng another channel at ipapa-monetized nyo ito. Siguraduhin lang na ma monetized mo para mayron kang kikitain kahit hindi kana mag-a-upload.

Paano nga ba ang kitaan sa Youtube?

Pag-uusapan natin dito ang kita sa loob mismo ng Youtube, hindi kasama yong maaaring kitaan apart sa sinasahod mula kay Google Adsense. Ang kita sa Youtube ay ipapasok sa iyong Google Adsense every month. Si Google Adsense ang magpapasahod sa mga Youtubers o content creators. Yong mga ads na lumalabas sa iyong Youtube channel ay mula kay Google.

Dati tanging sa ads revenue lang talaga umuasa ang mga content creator o mga Youtuber hanggang unti-unti na itong nadagdagan at ito ang mga sumusunod:

1. ADS REVENUE

2. Channel Membership

3. Superchat/Super Stickers

1. Ads Revenue -ito yong kinikita mula mismo sa mga ads or advertisement na lumalabas sa iyong mga videos kapag mayrong nanonood. Kung hindi kapa monetized at nanonood ka ng videos ng ibang Youtuber or content creator, mayrong biglang ads lalabas habang pinapanood mo ang video na yon. The more ads na napanood sa iyong video, the bigger revenue you will earn. 


Goodnews para sa mga Youtubers, ang 8 minutes video ngayon ay maaari ng lagyan ng mid-rolls ads. Nasa iyo kung ilang ads ang ilagay mo sa gitna, yong hindi naman nakaka-irritate sa mga manonood. The longer ng video, mas maraming mid-roll ads at the bigger revenue ang maaaring kikitain. Depende po sa ads na lumalabas dahil hindi po lahat ng ads ay pareho ang rate o CPM.

2. Channel Membership -ito yong kikitain kapag mayron kang JOIN button sa iyong channel. Kung dati kailangan mo pa ng 30K subscribers kung regular channel at 1K subscribers naman kapag games channel. Ngayon, halos lahat ng Live Streamer ay mayrong JOIN button regardless kung ilang subscribers mayron sila. Siguraduhin mo lang na maibigay mo ng tama ang PERKS na ipinangako mo sa iyong members dahil magka-cancel din sila.



Ang membership ay monthly renewal po ito kaya malaki din ang kikitain mo nito buwan-buwan kung nagawa mo ng tama ang iyong perks at membership. Kaya mas magandang pag-isipan ng mabuti ang ibibigay na PERKS para hindi ka mawawalan ng members.

3. Superchat/Super Stickers -ito yong maaari mong kikitain during Live Stream o Premier. One way of promoting your channel para dumami ang iyong subscribers. Normally, ang mga viewers na nandon sa Live Stream or Premier na nakakita sa isang superchatters, agad nila itong didikitan. Kaya marami ang gumagawa nito sa ngayon para lumaki at makilala ang kanilang mga channels.

Kapag nakarami ka ng content uploaded every month, lalaki din ang iyong revenue lalo na kung kilala kana at marami ng sumusubaybay sa iyong mga bagong uploads. Kapag nagawa mo naman ng tama ang iyong channel membership, dadami ang iyong mga members at tuloy-tuloy ang kanilang renewal. Kapag marami namang nagpalipad o nag superchat at nagsuper sticker, lalaki pa lalo ang iyong total monthly revenue.

Kaya ang maipapaya ko bilang isang small Youtubers at kumikita na rin sa tatlong paraan na nabanggit ko sa itaas, maging consistent sa iyong ginagawa huwag makalimot sa mga taong tumulong sayo para makilala at lumaki ang iyong channel. Be humble at always step on the ground kahit saan kaman dadalhin ng iyong mga pangarap.

Photo Credits:

https://www.thestreet.com/

Post a Comment

4 Comments

  1. A very useful content especially sa mga new youtubers at current youtubers na walang kaalam alam nito.

    ReplyDelete
  2. Informative words if you really want to earn in youtube. Job well done!

    ReplyDelete