Karamihan sa atin hirap talaga gawin ang pag-upload ng iba't-ibang content bawat araw. Mas pipiliin pa rin ng karamihan ang mag-LS kay sa mag-upload. Ito'y sa kadahilanang hindi kailangan na i-edit pa ang inyong LS video. Kahit ako ay agree din sa naisip nyo lalo na yong mga LS na puro paangat lang pero ganun pa man ang ginagawa mo sa LS, nakakapagod din kapag ito'y araw-araw mo ng ginagawa. Kung naging routine mo na rin ang pag LS, magsasawa at mauumay ka rin. Sa umpisa lang medyo ganado ka pero kinalaunan, mawawalan ka rin ng gana. Kudos sa mga hindi napapagod at hindi nawawalan ng momentum sa kanilang mga LS.
Sa mga taong mahilig sa instant kita siguradong pipiliin nila ang pag LS kay sa pagawa ng content. Sa LS kung marami kang superchatters, instant kita agad ang dala nito. Pero mas nakakatakot ang instant kita dahil instant din itong mawawala. Ang masaklap kung pati ang gana mo sa pag LS ay mawawala, paano na ang channel mo?
Ang mga LS video ay hindi na kikita pagdating ng ilang araw, yan kung mayron kang organic friend. Pero kung wala kang organic friend, kakalabas palang ng iyong video sa iyong channel wala ng pumasok nito para manood. Based on my experience, ang dami kung tinuturing na organic friends pero hindi aabot ng 30 katao ang pumasok sa aking LS video. Wala naman sila sa LS ko? Paano sila makakabawi? Well, hindi lahat nag-iisip sa mga iniisip ng iba na gustong bumawi kapag hindi umabot sa ating mga LS. Hindi natin alam kung anong rason behind or malamang gusto lang nila na sila lang ang bigyan ng ayuda.
Kung ganun, yong tinuturing mo na organic friend takot pumasok or walang time manood ng napakahaba mong LS video -paano na yong mga hindi organic? Do you think papanoorin nila ang LS video mo? Sa haba ng oras na makikita nila sa iyong video, siguradong hindi na sila magtangka pang papasokin ito. Kaya mawawalan ng saysay ang inyong mga LS video pagka-upload nito sa iyong channel.
Ngayong alam mo na ang disadvantage ng palaging pag LS, bakit tuloy pa rin ang iyong pagka-busy sa pag LS? Hindi mo ba inisip ang future ng channel mo sakaling, tuloyan ka ng mawawalan ng ganang mag LS? Anong mangyayari kaya sa channel mo kung isang buwan, taon or mahabang panahon na wala kang activities sa iyong channel? Mayron kapa kayang kikitain kung ang laman ng iyong channel ay puro LS video nalang. Sana naitanong nyo rin ito sa inyong mga sarili.
Kapag ikaw ay taong mahilig nag-anticipate sa mga future benefits ng iyong channel, siguradong iiwasan mo ang pag LS everyday. Hindi naman masasayang ang panahon mo dahil kahit papano mayron naman centavo na papasok sa iyong revenue kung wala kang superchat, pero paano na yong future mo at ng iyong channel?
We are talking here about the future dahil hindi lahat ng pagkakataon ay OK ang health mo at hindi rin natin masasabi na kakayanin mo ang pag LS hanggang sa dulo ng iyong YT journey. Paano kung magkakasakit ka? Alam naman natin na ang sakit ay bigla nalang yang lalabas dahil sa lifestyles at mga pagkain natin kaya hindi mo pwede iwasan, unless hindi kana kakain or iinom na hindi organic kaso kailangan mo ng malaking halaga para magawa ito.
Kaya nga nandito tayo sa YT umaasang kikita ng kunti para mayron tayong pagbayad ng mga bills o makakaipon ng kuntin dahil hindi sapat ang kinita natin. Kasi kung sapat na yong kinita nyo, 100% sure akong hindi ka talaga papasok dito sa YT. Pipiliin mong magkuyakoy at manood lamang ng mga palabas sa TV o manood ng mga videos sa Youtube ng mga sikat na celebrities.
Magandang iisipin natin ang LONG RUN benefits na idudulot sa atin ng ating channel. At ang tanging makapagbigay lamang nito sa atin ay ang pag-upload ng content bawat araw. Although, maiksi lang ito pero karamihan sa atin nahihirapang i-maintain ang ating momentum sa pagawa nito everyday dahil mayron tayong iba't-ibang responsibilidad sa pamilya, sa opisina at pati sa kumunidad.
Ang regular content ay maaaring kikita pa rin kahit matagal na itong na upload. Kung maswerte ka, isa sa iyong upload maging viral siguradong instant money ang makukuha mo sa loob ng iilang buwan. Pero palagay nalang natin wala kang viral or trending video pero majority sa iyong mga content ay pinapasok pa rin ng mga viewers kahit accidental dahil lumabas ito sa Youtube search or sa Google search. Siguradong kikita ng kikita kapa rin unlike sa LS video na mahalintulad nating dead investment pagdating ng iilang araw.
Ang pagkakaroon ng maraming uploads ay mas daig mo pa ang nag negosyo sa isang investment scheme na umaasang kikita pagdating ng iilangan araw pero ang ending SCAM lang pala. Ang investment mo sa iyong mga uploads ay hindi natin masasabing scam dahil wala naman tayon pinalabas ng pera kundi effort lang at sipag. Halimbawa umabot ka ng 1,000 uploads sa iyong channel tapos kalahati lang nito ang mayrong nanood sa hindi inaasahang pagkakataon, siguro dahil sa iyong title at thumbnail kaya nagkamali silang pindutin ito.
Computation:
1,000 uploads x 50% got views and earn atleat $ 0.10 (pinakamababa na revenue per upload) magkano ang kikitain mo sa isang buwan? Equals $50.00 convert it into peso (P 48.00) = P2,400. Para ka ding may pension na hindi ka naman naghulog sa SSS or sa PAG-IBIG.
Paano na kung karamihan sa inyong video ay kumikita ng mas mahigit pa sa $0.10 per month? Paano na kaya kung ang karamihan ng inyong videos ay kumikita ng atleast $1 lang, tapos umabot ka ng 2,000 videos bago ka magsawang mag upload? Focus sa FUTURE benefits, hindi para ngayon o bukas lang. Dahil kung ang inisip mo ay ngayon at bukas, ang maipapayo ko MAG-LS ka nalang.
Hope naliwanagan kayo at maka-decide na kayo kung saan ba kayo lulugar or saan ba kayo pu-pwesto, LS or Uploads?
Much Love and May God bless us all. Keep safe everyone. Maganda Buhay!
12 Comments
Therefore I conclude,uploads is the best among the rest.
ReplyDeleteLoud and clear kya nga ba ga hindi ako ng lls
ReplyDeleteMessage received and trying to digest it, bossing! Thanks for sharing your expertise with us. (now off to my secret mission that ads thingy)
ReplyDeleteMessage received and trying to digest it, bossing! Thanks for sharing your expertise with us. (now off to my secret mission that ads thingy)
ReplyDeletewill catch up on uploading soon. thanks kuya
ReplyDeleteThanks for sharing kuya
ReplyDeleteWow ganun pala yun,thanks po ulit sa knowledge sipagan ko pa mag upload.
ReplyDeletePati pag kuskos ng inidoro ivlog ko narin para may ma upload ako haha
ReplyDelete#cel
oo naranasan ko talaga nakakapagod mag ls kung di lang namumula ang analytics ko di na ako mag ls mas maganda talag ang upload nalang kc lumaki araw araw pag my manood lnh
ReplyDeleteYes uploads is the best para sa ekonomiya... titamhelconde
ReplyDeleteGawa na ako ng marami ng videos.. Thanks sir
ReplyDeleteDone reading... SMOSO
ReplyDelete