Paano Mabilis Makuha ang 4,000 Watch Hour na Kailangan ni Youtube?

Bilang isang aspirant Youtuber, kailangan talaga natin ang watch hour para makuha ang isa sa requirements ni Youtube. Hindi birong abutin ang 4,000 watch hour. Kung hindi ka naman sikat at hindi ka magaling sa editing at SEO, siguradong mahihirapan ka sa pagbuo nito. Pero mayrong mga paraan para mabilis mong makuha ang kailangan oras ni YT.

Hanggat maari iwasan ang watch to watch dahil pagdating ng araw ma-monetized ka man, mahihirapan kang i-maintain ang iyong good analytics. Masarap pakinggang monetized kana kahit maliit palang channel mo at kunti lang ang uploads mo pero sa likod na pagiging monetized ay mayrong kaakibat na responsibilidad, at hindi ito madali para sa naging monetized dahil sa watch to watch.


Maaaring ma monetized kaman pero wala ka ring kikitain dahil wala rin namang manood sa iyong mga new uploads. Kailangan mo talagang dumaan sa proseso para hindi ka mahihirapan sa bandang huli. Ang mga sumusunod ay makakatulong sa isang aspirant Youtubers para mapabilis ang watch hour na hindi kailangan ng watch to watch.

LIVE STREAMING

Malaki ang bigay ni Youtube na watch hour sa LS kapag maraming mga viewers na dumadalo at lahat ay nagparticipate sa host at sa kapwa viewers. Hindi lang pangingisda ang habol ng viewers kundi pati din ang knowledge na ini-impart ng host. Once ang viewers mo ay nagtagal sa iyong LS at hindi labas pasok, malaki ang makukuha mong watch hour.

Ang disadvantage lang sa LS, nakakapagod lalo na sa pag-iisip ng topic na maaari mong i-share sa inyong viewers. Ang iba hirap din lalo na kung may problema sila sa kalusugan at pati na rin yong mahiyain sa harap ng camera.

Kung takot kang humarap ng camera, pwede kang mag-silent live stream. Siguraduhin lang na mayron kang viewers dahil kung wala kang viewers sa iyong silent LS, wala ka ring mapapala.

UPLOADS

Isa sa pinaka the best way para ma-accelerate ang inyong watch hour ay ang pag-upload ng content atleast twice or 3x a day. Kung kaya mong pagandahin ang content mo, the better para malaki ang chance nito na ma-recommend ni Youtube at also may chance maging viral or trending. Kung nagkataong naging viral ito, mabilis ang paglaki ng inyong watch hour. Within a couple of days, siguradong makuha mo na ang 4,000 WH na required ni YT.

ORGANIC FRIENDS

Kung hindi ka magaling mag-edit at hindi ka rin magaling kumuha ng videos plus tinatamad kang mag LS, gusto mo lang silent. No other solutions, you need to have more Organic Friends para tatambay at dadalaw sa iyong silent LS or sa iyong channel activities. Malaki ang maitulong ng Organic Friends para mapabilis din ang iyong watch hours. Kaya habang pinapalaki mo ang iyong bahay, mag-ipon ka rin ng mga organic friends para makatulong sa iyong YT journey.

BEWARE:

You don't need to pay anything para makakuha ng watch hours. Ginawa na rin kasing negosyo ngayon ng ibang mga mapagsamantala. Siguro yong magpa-member sa isang channel na mayrong perks na WH, lalo na wala kang time na gawin yong mga nabanggit na natin. Pero umiwas sa mga taong nag-aalok ng WH kapalit ng halaga dahil hindi ka sigurado kung totoo ba talaga ang offer nila. Kung sakali mang totoo, eh paano kung monetized kana? Anong mangyayari sa channel mo?

Hindi biro ang responsibilidad being a monetized channel. Monetized kana nga pero wala kang organic friends at hindi ka rin magaling kumuha ng videos at mas lalong hindi ka magaling mag edit, lalangawin ang mga uploads mo. Lagi mong tandaan, kung walang manood sa videos mo, wala kang kikitain.

Kung matiyaga ka lang at ready kana sa pagiging isang small Youtuber, balewala sa iyo ang mga challenges tungo sa iyong tagumpay. Sipag at tiyaga lang ang kailangan para magtagumpay ka dito sa iyong Youtube journey. Hindi compulsory na mag-invest ka ng pera. Mas maganda pagdaanan mo ang kunting hirap para mas lalong masaya ang pag-abot mo ng iyong tagumpay.

Post a Comment

16 Comments

  1. Such a great content bossing tama yong tatlo pero the best ang pangatlo..hihihi.igo ko but im so thankful because ive reach 4k wh through this.thank you also sa support bossing.

    ReplyDelete
  2. all of the above. basta ang importante ang mahalaga

    ReplyDelete
  3. Tama lhat at yan ay pinagdaanan ko sir may nag alok sa akin madami ng mpbilis ang wh ayaw ko takot ako sayang kung di mklusot sayang ang pagod puyat at effort sa tulong ng mga kaibigan s yt at sriling sikap npbilis ang moni moni hahahaha sarap sa feeling ng tagumpay khit tuldok ang revenue at konti mnood ng mga organic sarap sa pkiramdam

    ReplyDelete
  4. All of the statements above are true kaya bigla akong napaisip.... dahil sa YT nakalimutan ko pala magsaing ng kanin.

    ReplyDelete
  5. Parang ako ito oh nangungusap sa sarili ko totoo kung walang mga organic na magtiyaga sa upload ko walang kabuhay buhay kahit langaw hindi papansinin videos ko whahahahaha

    ReplyDelete
  6. Salamat ulit sir Godbless and more power to you

    ReplyDelete
  7. Replies
    1. Tama po Yan sir,,Kya organic family/friends tlga need,,natapangiti aq s lalangawin 🤣

      Delete
  8. Lahat ay tama Kuya, kaya kailangan ang organic at legit friends para sa YT journey mo, thank you Kuya you're the best. Keep safe & God Bless... #titamhelconde

    ReplyDelete
  9. Korekek tanan idea nmu bossing Salamat for sharing

    ReplyDelete
  10. Galing ng utak ng creator na to haha
    Sana ok
    #cel

    ReplyDelete
  11. Salamat Bossing sa writings na ito. SMOSO

    ReplyDelete
  12. un naman ang pinaka ayaw ko ung watch to watch dahil alam magiging demanding ang mga nag wawatch sau pagdating jan meron akong gc dati na ako ang dala ako ang admin pero hindi inaalaw ang watch to watch dapat talaga paghirapa. mong kunin ang lahat para smoth ang takbo nito...hindi ung madalian kc pag nagmamadalu ay jan ka mababali

    ReplyDelete
  13. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  14. Ako rin nakatapos ako ng 4k ng dahil sa oraganic family at legit friends & uploads... kaya malaking pasasalamat ko sa organic family & legits friends... titamhelconde.

    ReplyDelete