Para kumita ang isang Youtuber kailangan magiging monetized ito magsimulang kumita sa kanyang mga videos. Depende sa klase at haba ng content ang kita ng isang Content Creator. Kung ang video mo ay hindi umabot sa walong minuto, si Youtube ang magbigay ng ads depende sa niche mo or yong tinatawag na "matched content ads". Pero after pandemic, kung anu-anong ads nalang ang lumalabas sa mga content wala ng matching.
Karamihan pa sa mga ads na lumalabas ay napakababa ng CPM (cost per mille) per 1000 views depende sa impression na nakuha mo from the viewers. Karamihan sa mga ads ay halos free nalang. Ito ang dahilan na hindi ako naniniwala sa DON'T SKIP THE ADS na madalas nating naririnig sa mga nagla-live streaming. Matagal na rin sinasabi ito ni UPTV na SKIP MY ADS dahil nakita ko po ang analytics na sobrang baba ng ads rate.
Kung i-roll back natin ang aking LS, isa sa mga topic ko ay tungkol sa ADS RATE at sinasabi ko na wala na talagang kwenta ang mga ads ngayon compared noong wala pa ang COVID-19 dahil yong mga ads na hindi naman para sa Pilipinas ay pumapasok. Actually, maraming advertisers ang huminto sa pag-run ng kanilang ads noon kasagsagan ng ECQ dahil halos lahat ng establishment ay sarado.Kaya nauubusan ng ads ang system ni Youtube na matched sa content or sa niche ng isang channel. Kung dati ang lumalabas na ads sa UPTV ay related sa mga LENDING, BANKS at sa iba't-ibang financial institution, ngayon ang lumalabas ay mga games, Youtube channel at marami pang walang kinalaman sa niche ni UPTV. Buti nalang at unti-unti ng bumabalik ang mga nag-advertise dati dahil unti-unti na rin bumabalik ang mga negosyo sa kanilang normal operation kahit hindi pa gaanong malakas ang sales.
Goodnews! Dahil noong July 27, ang 8 minutes video ay pwede ng lagyan ng mid-roll ads. Hindi gaya dati na kailangan mo pang umabot ng 10 minutes bago makapaglagay ng mid-roll ads. Advantage ito para sa mga content creator dahil tataas ang impression at cpm ng isang content basta nalagyan ng more than 2 to 4 ads sa gitna.
Kung ang iyong channel ay umaasa sa traffic ng mga non-Youtubers, mabuting huwag mong lagyan ng maraming mid-roll ads dahil annoying po ang maraming ads. Ang resulta kapag na-annoy sila sa daming ads, lalayas na sila at hindi taposing panoorin ang iyong video. Pero kung mayrong kang mga Organic Friends na walang pakialam basta manood lang sila at makatulong, advantage ang maraming ads sa gitna.
Kung ang layunin mo ng iyong content ay patuloy pa ring kumikita at humahatak ng views at subscribers, mas mabuting kunting ads lang ilagay mo or kung umaasa ka sa Organic friends, pagkatapos ng dalawang linggo mas mabuting bawasan mo ang ads na nilagay mo sa gitna para marami pang mag stay sa iyong video kapag ito'y napanood.
Nagdepende rin ang ganda ng inyong content ang paglagay ng mga ads. Kung nakita mong very useful ang iyong content at nagiging Top 1 na ito sa iyong mga videos at araw-araw maraming nanonood, pwede mong dagdagan ang ads sa gitna. Pero huwag naman puro ads nalang mapapanood at wala ng content.
Kaya ingat sa paglalagay nga mga ads sa inyong content. You can do a trial and error kung gusto mong pag-aralan ang galaw ng inyong videos pagdating sa good analytics nito. Para sa aking mga videos, I used first my Organic friends kaya naglagay ako ng maraming ads sa gitna taposa after a week or 2 weeks, tinatanggal ko na ang ibang ads na nakaka-annoy s amga viewers ko.
Yong mga Top 10 videos ko na 5 minutes pataas, sila yong nilagyan ko ng maraming mid-rolls para makakuha ng maganda ads revenue. Sa ads revenue tayo umaasa para sumahod at kumita. Kung wala kapang Top 10 videos, don't stop uploading videos. Huwag umasa sa Live Streaming, temporary lang ang kita ni LS hindi pangmatagalan. Mag-focus sa long run benefits hindi yong panandalian lamang.
Kung sakaling magiging inactive kana sa pag-upload, atleast some of your content kumikita pa rin kahit hindi na kalakihan. Yong LS video, pagdating ng araw ay mawawalan ng halaga hindi gaya ng inyong content video. Tuloy lang at huwag mawalan ng pag-asa. Keep going SMOSO FAMILY.
Much Love and May God bless us all. Keep safe everyone. Magandang buhay!
May kanya-kanyang style sa paglagay ng ads sa mga video kapag ito ay mahigit walong minuto pataas.
11 Comments
Salamat sir sa info
ReplyDeletenoted sir tnk u s pah share ng info
ReplyDeletethanks for sharing another informative words.
ReplyDeleteCopy cut bossing.after 2weeks additional kaalaman foe today.chalamats.
ReplyDeletedone reading
ReplyDeleteI might need to review this blog someday once I get my channel loaded with ads. Good to know, bossing!
ReplyDeleteSalamat sir muli may natutunan nanaman kami sainyo Godbless po
ReplyDeleteAds is life yan ang sabi nila pero tama ka sir, wag naman puro ads wala ng content hahaha pag nag ka ganun hindi na ads is life, panu ka mabubuhay sa ads kung wala ka namang content kaya dapat content is life not only ads😜😜😜
ReplyDeleteDone basa SMOSO
ReplyDeleteako sir everytime na mag ls ako diko talaga sinasabi na wag skip ang harang minsan nga itype ko na skip mo na yan kahit dati pa nong di pa kita nakilala di ako nagsasabi na dont skip the ads🤩🤩🤩
ReplyDeleteSkip ko lang ka Pag mahaba like 10mnts pastas pero ka Pag may work ako kahit 1our ang harang continue watching yan
ReplyDelete#cel