Kailangan Ba Talaga Nating Mag-Upload Everyday?

Lahat ay gustong gawin ito kaso karamihan ay hirap sa pagsunod ng kanilang daily schedule. Dahil din kasi ito sa iba't-ibang daily routine and activities natin. Minsan makakalimutan or mapapabayaan ang pagaw ng bagong content. Ang iba naman ay nahihirapan dahil nauubos na ang kanilang oras sa pagsuporta sa mga kasamahan lalo na sa organic family. Dahil part tayo ng mga small Youtubers, hindi pwede na wala tayong gagawin para makatulong din sa iba lalo na yong mga naghahabol pa ng oras at pati na rin yong mga bagong monetized channel.



Kung mayron tayong mga organic friends, not necessarily na magaling tayong gumawa ng video content or magaling tayong mag edit. Dahil ang mga organic friend ay nandyan sila palagi sa iyong likoran gaano man kaganda at kapangit ang iyong gawa. Wala kang dapat isipin tungkol dito at mas lalong huwag mong isipin kung mayrong mga kritiko sa iyo. Dahil sa online world lalo na sa Youtube, milyon-milyon ang bilang nila. Huwag mo silang tingnan in a negative way, kundi gawin mong positibo to improve yourself.

Isa sa mabigat na dahilan upang gawin mong regular ang pag-upload ng iyong content everyday upang ma-maintain mo yong momentum mo sa pag-upload. Normally, sa umpisa lang mahirap pero kapag nasanay at nakaugalian mo na magiging madali at magaan nalang ito. Mahahalintulad natin ito sa sasakyan, kailan mo ba gagamitin ang primera? di ba sa unang kambyo? subukan mong gamitin ang kwarta, diba hindi ka makakatakbo. Sa umpisa kailangan mo ng sakripisyo at hirap para magawa ito kaya tuloy lang huwag huminto.

Ang pag-upload everyday ay magbibigay updates sa iyong mga viewers mapa organic man ito o hindi. Malalaman nila ang doings at undertakings mo at mas lalo ka nila makikilala. Hindi lang mga viewers mo ang makakilala sayo pati na rin si Youtube. Malaki ang chance na marekomenda ang content mo dahil active ka. Hindi natin alam kung anong content natin ang irekomenda ni YT sa mga viewers at hindi rin natin alam kung saan sa video mo ang magiging viral o trending.

Tuloy lang tayo sa pag-upload. Gawin nating regular ang pagpaparamdam sa ating mga viewers. Huwag intindihin ang ganda or pangit na content, always remember hindi lahat ng nag-viral at trending video ay maganda ang pagkagawa o pagkakuha. Tuloy lang, who knows magiging viral ang isa sa mga uploads mo.  Syempre kung magkakaroon kana ng viral videos, hindi mo na kailangan pang dalawin pa paisa-isa ang mga nanood ng iyong videos hindi gaya ng ginawa natin sa organic family.

Ang organic family ay steping stone natin para tulungan tayong makilala sa maraming viewers kaya hindi rin natin pwedeng maliitin ang ating mga organic na kaibigan. Ang organic na kaibigan ay isang napakalaking asset natin sa mundo ng Youtube kaya kailangan rin natin ang isa't-isa. Kaya kitakits sa iyong next UPLOAD.

Much love and May God bless us all. Keep safe everyone.

Post a Comment

17 Comments

  1. Aww, this is a very encouraging post, bossing! #proudOrganicFriend. JeanB

    ReplyDelete
  2. Agay..upload nakog paspas ani.thank u sa info bossing.

    ReplyDelete
  3. Agay..upload nakog paspas ani.thank u sa info bossing.

    ReplyDelete
  4. Tama po sir salamat s payo mu namulat kmi 💓💓

    ReplyDelete
  5. Bisag unsa nlng e video para naay ma upload hahaha salamat bossing

    ReplyDelete
  6. I will do my best to catch up the soonest. Thanks for lighting a fire under us!

    ReplyDelete
  7. Done kuya with watching adds congrats bilis magka adds ah sana oil #CEL

    ReplyDelete
  8. Daghang salamat sa vlog na ito. SMOSO Bossing...

    ReplyDelete
  9. Yes, its true step 1 and foundation na mayron tayong organic na mga kaibigan na laging nanjan sa ting likuran, para ikambiyo tayo mula primera hangang sixta! God blesed to everyone👼👼👼

    ReplyDelete
  10. yes sir ka kaya ako walng edit edit hahaha

    ReplyDelete
  11. at sana maging everyday ako makapag upload kaso busy palage dhil sa baby

    ReplyDelete