Ang katagang organic ay sumikat ngayon sa mga small Youtubers kagaya ko. Bagong paman ito nakilala, ginagamit na ito nga mga live streamers pero binigyan ito ng malalim na kahulugan ni UPTV kay ngayon dahil sa organic friends, binuo ni USAPANG PERA TV ang UPTV Organic Family. Dahil dito nabuo din ang katagang SMOSO o Super Mega Organic Shout Out. Pero hindi nyo ba alam na bago nagawa ang SMOSO, ang una muna nitong salita ay SOSO o Super Organic Shout Out?
Dahil medyo pangit pakinggan lalo na sa mga nagsasalita ng Tagalog at sobrang tawanan ang nagyayari kasama ang karamihan sa mga organic friends and family kaya minabuti kong palitan ito ng SMOSO para hindi sagwa pakinggan. Mula noon hanggang ngayon kilala na ang salitang SMOSO at alam na rin ng karamihan kung saan ito nag-uumpisa.
Ang isang organic na kaibigan ay kaagapay at kasama mo sa hirap man at sa ginhawa. Hindi ibig sabihin na ALWAYS kang nasa tagiliran ka ng iyong kaibigan. Alam naman natin na imposible talagang mangyari yan dahil mayron tayong kanya-kanyang buhay at responsibilidad na inasikaso araw-araw. Mayron tayong responsibilidad sa pamilya, sa trabaho at maging sa kumunidad kung saan tayo nakakatira.
Pagdating sa ating Youtube journey at activities, ang pagiging organic ay hindi masusukat sa Live Streaming lang. Sa ayaw at sa gusto natin, darating talaga ang point na tatawagin tayo ng ating responsibilidad sa buhay at mga pagkakataong mga hindi inaasahan, tawag ng tungkulin at marami pang iba balidong rason upang ang isang organic na kaibigan natin ay wala sa ating live streaming.
Nakaka-disappoint lalo na kung sila lang ang inyong inaasahan pero kailangan mo harapin ang hamon na ito dahil pati tayo ay apektado din dito. Hindi lahat ng pagkakataon ay palagi ka ring nandon sa LS ng kaibigan mo. Unawain at intindihin natin ang bawat isa lalo na ngayon na bumabalik na tayo sa pagiging normal ang mga daily activities natin noon bago pa nangyari ang PANDEMIC.
Paano ba natin mapanatili ang ating pagiging Organic na Kaibigan?
Napaka-demanding ng oras at time consuming ang Live Streaming. Hirap kana sa iyong sariling Live, mahihirapan kapang sumuporta sa mga organic friends mo na nagla-live din. Minsan mapapansin mo na parang ang 24 hours ay parang 5 hours nalang dahil sa kakasuporta mo ng mga live streams ng iyong mga kaibigan. Kaya halos sinasagad mo na lahat ng oras mo at PATI ORAS NG PAGTULOG ay naibigay mo na rin sa pagsusuporta sa iyong mga kaibigan.
Do you think na ang ganitong routine ay magdudulot ng magandang kalusugan para sa ating lahat? Of course, HINDI. Mahirap mamuhay sa panahon ngayon. Marami ang mga hindi inaasahang pangyayari. Kung yong mga taong nag-iingat sa kanilang kalusugan ay nagkakasakit, paano pa kaya yong hindi. Siguro hindi man ngayon pero para saan pa pupunt ang pag-abuso natin sa ating sarili. Kaya kailangan natin mag-ingat at palagi nating tandaan "HEALTH IS WEALTH". OK lang sana kung malaki talaga ang kikitain natin sa ating pag-Youtube, baka naman kapag bumigay na ang katawan natin hirap pa tayong maghanap ng pampagamot at pambili ng gamot.
Maraming paraan para manatili kang organic sa mga kaibigan mo. Hindi lang ito masusukat na palagi kang nandon sa LS nya, na alam naman nating lahat na imposible yon. Isang magandang paraan para hindi ka ma stress at hindi ka ma-pressure ay ang pag replay ng kanyang mga natatapos ng LS or PREMIERES. Kung ADS REVENUE ang pag-uusapan, di hamak na malaki ang kikitain ng may-ari ng video kay sa yong nandoon ka sa kanyang LS or PREMIERS. Walang pressure at stress sa replay dahil pwede mo naman tong gagawin anytime depende sa oras na bakante kana.
ISA pang paraan para maiwasan ang pressure at stress at manatili ang pagiging organic ay ang pagkakaroon ng UPLOADS or Content Uploads anytime. Dahil regular upload ito, pwede mong panoorin sa mga panahon na wala kang ginagawa na hindi mo kailangang uunahin kay sa mga obligasyon mo sa buhay gaya ng trabaho at pamilya.
Ang sukatan ni UPTV sa pagiging organic ng isa kaibigan ay hindi sa LS or PREMIERES lang. Kasama na rin dito ang mga kaibigan na dumadalaw sa kanyang bahay at mag replay or manood ng kanyang palabas.
Ang pagdalaw sa bahay ni UPTV ay hindi nakaka pressure dahil mo itong gagawin anytime at hindi rin kailangan na magtagal ka ng mahabang oras para tumambay. Dahil pwede ka naman manood ng palabas kahit tulog ka, hayaan mo lang ang iyong cellphone or laptop na manood sa mga palabas ni UPTV o ng kahit sinong organic friends.
Pero kung hindi kana talaga organic sa sarili mo, at wala kang valid reason kung bakit? Kahit anong pilit pa natin at kahit anong lecture pa ang gagawin ni UPTV wala na talaga tayong magagawa pa.
NOTE:
Maraming organic friends and members na hindi na makakasuporta dahil sa nature ng trabaho nila at kahit sa sarili nilang channel wala na silang activities - sila ay kailangan nating intindihin. Pero kung active ang channel nila sa LS, premieres at uploads -ibang usapang na yan. Kailangan na nating silang tanggalin sa organic family lalo na sa UPTV. Para saan yong nandon sa UPTV Organic Family group chat pero ni anino hindi mo na nakikita sa LS at sa buong bahay ni UPTV.
Hindi po kasama ang Channel Members ni UPTV. Regardless kong anong Level ka ng membership, pumunta ka man o hindi, manatili ka pa ring member ng UPTV Organic Family, unless mag expire ka at hindi kana rin nagpapakita sa LS o sa mga uploads ni UPTV. Hindi compulsory na pumunta sa LS at manood ng videos ang mga channel members pero kung ginawa nyo ang pagdalaw sa LS at panood ng mga videos ni UPTV, isang malaking utang na loob po ni UPTV yon. We are greatful sa ginawa mong suporta at pagiging organic na kaibigan ni UPTV.
On October 15, 2020 -lahat ng mga nasa GC ng UPTV Organic Family na hindi nakikita sa LS at sa bahay ni UPTV mula October 1-15 atleast apat na beses ay tatanggalin sa UPTV Organic Family gc pero manatili or mailipat siya sa gc na UPTV Family Worldwide. Dahil wala na organic name sa gc na ito, hindi kana obligado kung susuporta kaba palagi o hindi kay UPTV.
13 Comments
Support all the way..kong asa ang panon nandoon ka din.kaagapay sa lahat ng oras..charooottts.
ReplyDeleteYes indeed! Being organic is within ourself.
ReplyDeleteOrganic is when chickens aren’t injected with hormones.
DeleteSupport sa mga taong marunong mag suport
ReplyDeleteKung ano tinanim ai syang aanihin
ReplyDeleteOne's natagpuan mo na ang isang organic na kaibigan,wag mo nang pakawalan pa.maging organic ka rin para di ka rin iwanan.
ReplyDeleteBeing organic is started with your self hehehe mima lang.. very will said kuya
ReplyDeleteSalamat po sir
ReplyDeletewahahha ann cabrera tama kung saan ung panon adto padong sa kahaba haba man daw ng prosisyon sa simbahan parin ang tuloy oh meron din ako ha ann cabrera bitaw oi sir ok po yan sir
ReplyDeleteOrganic yan yung puro hindi lastiko at hindi extranghero, kailangan talaga ay puro at sulido, walang halong likido ito ay hindi lang pakitang tao.😇
ReplyDeleteSila ang mga taong nag titiyaga panoorin ang mga uplaod ko kaht walang kabuhay buhay un matatawag na organic. Dko makakalimutan sis cheerz unang ls ko as monetize bigla ko kasi napindot para sa harang sabi nya kung d kalang mabait tita skip ko na harang mo. So un para saakin isa sya sa mga organic family.love u all 👍👍
ReplyDeleteNung una ngtataka talaga ako kung ano yung SMOSO.. nahiya naman ako magtanong.. Eto na kasagutan ko.. May ko ting history pa.
ReplyDeleteProud Organic here hahaha supporta sa mga ng supporta rin charoot
ReplyDelete