Ano Ang Advantages at Benefits ng Video Premieres?

PREMIERES

"YouTube Premieres lets you and your viewers watch and experience a new video together. It's like a movie or TV show premiere. Premiering your video lets you schedule a video upload and create buzz around the video with a shareable watch page.

Note: Premieres can only be created using a computer, but viewers can watch the premiere on any platform like computer, iOS, Android, and mWeb."

Ang premiers ay almost similar lang po sa Live Stream. Kaibahan lang hindi  ito makapagsalita ng live. Pwede mong makausap ang viewers mo through chatting sa premier chatbox. Pero pagdating sa ads revenue, halos walang pinagkaiba sa live stream. Ang premiers din pwede mong i-promote kahit saang live streaming. Naka-schedule ito sa specific day and time kaya pwede marami ang makapanood. Ang mga sumusunod ay mga benefits kapag ikaw ay mayrong premiers

ADVANTAGE NG PREMIERES

1. SUPERCHAT AND SUPER STICKERS

Dagdag kita mo na rin ang superchat at super stickers kung mayrong magpapalipad during sa iyong premier. Dahil open ito gaya ng live streams, lahat kung gugustuhin nila ay pwedeng makapalipad ng any amount depende sa minimum allowed ng bawat bansa. Hindi malinaw kung bakit magkaiba ang minimum ng bawat superchat sa iba't-ibang bansa. Baka naka-based ito sa ikonomiya or sa currency conversion kung kaya ang iba mababa lang gaya ng Pilipinas. 

Kapag mayrong superchat or super stickers, agad itong lalabas sa iyong chatbox at makikita ito ng mga viewers kaya mas may chance na didikitan ka kay sa yong mga regular viewers lang. Ang superchat ay isa ding paraan para ma promote mo ang iyong channel. Kaso lang, pwede lalaki lang ang bahay o channel mo pero yong revenue mo ay hindi. Advantage lang ito sa mga nag-run to 1,000 subscribers pero beyond that numbers hindi mo na kailangan mag superchat. Ang kailangan mo kung gusto mo ng magandang revenue ay more uploads and organic friends.

2. MEMBERSHIP

Kapang mayron kanang JOIN button, pagkakataon din ito para  mag join or mag renew dahil makikita ito ng mga regular viewers at malaki ang chance na didikitan ka rin nila. Lalabas kasi ang ibang kulay sa chatbox kapag mayron nag member or nag renew. Mayrong kulay green sa chatbox na naka-indicate ang pangalan ng isang channel na nagpa-member sa bahay ng nagpremier.

3. CHIT-CHAT

Makaka-chat mo ang mga nasa chatbox kaso kung maraming viewers mahihirapan kang habulin ang mga mensahe ng inyong mga viewers dahil sa sobrang bilis ng flow ng mga messages. Ayaw din naman nating hindi ma welcome lahat ng pumapasok sa ating premiers para sa susunod, babalik pa rin sila sa iyong premiers. Minsan kasi pakiramdam ng iba, hindi sila pinapansin kaya maaaring hindi na sila babalik.

4. NOT MONETIZE

Maganda ang premiers kapag ikaw ay hindi pa monetize dahil more viewers more watch hour ang makukuha mo. Pero kapag monetized channel kana, disadvantage dahil hindi nalabas ang mid-roll ads na nilagay nyo during premier. Maliit lang kikitain mo sa ads revenue kapag kunti lang ang ads na lalabas.

DISAVANTAGE NG PREMIERES

1. ADS REVENUE

Ito ang kailangan natin dahil na kita sa bawat content na wala kang obligation unlike sa superchat. Kaso maliit lang kikitain mo dito compared sa regular uploads dahil kahit more than 8 minutes ang iyong video at nilagyan mo ng mid-roll ads, tanging ang mayron lang ads na lalabas ay sa beginning at sa end. Pero mapapansin nyo din kadalasan, walang ads lumalabas sa umpisa or sa huli. Kusa nalang nag countdown ang iyong premier pero kung organic ang iyong viewers, nasasanay na sa ads kaya ni-refresh nila ang page para lumabas ang ads. Kadalasan walang ads din sa huli kaya refresh pa din para makatulong sa ating organic na mga friendship.

2. CHAT RESBACK

Mahirap makipagsabayan sa pagresback nga mga viewers mo lalo na kung marami sila sa loob ng chatbox. Siyempre ayaw mong may ma-disappoint sayo kaya kailangan mo rin silang kausapin while on going ang iyong premier. Masaklap kung cellphone lang ang gamit mo, mahihirapan kang i-welcome silang lahat. Mahihirapan ka ding makipagsabayan sa kanila kahit keyboard ang gamit mo.

Dahil we turned off our superchat and super stickers, UPTV ay hindi na magpi-premier unless i-announce namin in advance for a certain reasons. Para sa comparison ng kitaan sa premiers at regular uploads, pakisuyong basahin ang link na ito: http://bit.ly/RaketPinoyContent

Post a Comment

10 Comments

  1. Kaya akoy regular uploads na lng

    ReplyDelete
  2. Yes indeed! There’s always a advantage and disadvantage

    ReplyDelete
  3. Sa bawat pabasa na ginagawa nyo sir ay may natutunan kami sainyo more pabasa pa po hehehe Godbless us all

    ReplyDelete
  4. Ok ra ang premieres dami advantages but i hate tuldok tuldok and shout out on makapodpod og kamot..thank you

    ReplyDelete
  5. sa bagay sir no parang live na nga rin ang premier mas maigi talagang upload nlng talaga cguro

    ReplyDelete
  6. Ah gnun pla un sir pagpremiere limited ads lng,,mga Moni Alam n dis 🤣🤣🤣

    ReplyDelete
  7. Another information na dapat matutunan ng mga new aspiring youtubers. Very informative and straight forward. Thanks Bossing.

    ReplyDelete
  8. Thanks for sharing your knowledge and expertise.

    ReplyDelete
  9. Yes i agree, regular uploads ang maganda di ka pa maiistress unlike premieres maiistress ka dahil nid mo maging present para i reply ang mga nag comments o nag dalo sa premieres.. ung regular uploads walang stress...

    ReplyDelete
  10. Thanks po sa pagbahagi ng iyong kaalaman..

    ReplyDelete