THE ADVANTAGE OF YOUTUBE LIVE STREAMING

 Marami ang nahuhumaling sa Live Streaming mula nong lumaganap ang COVID-19. Dahil marami ang nakakulong sa bahay, nadiskobre nila na pwede palang mag live sa Youtube. Kung dati ang alam lang ng karamihan ay sa Facebook lang pwedeng mag live. Isa ako sa mga halimbawa na naniniwala lang dati na sa Facebook lang mayron live at hindi kumikita pagdating sa ads revenue. Ang live streaming sa Fb ay ginagamit ng mga online sellers at doon sila kumikita.

Although pwede naman itong gawin sa YT kaso hindi ganun kadali dahil mayrong requirements si YT bago makapag live gamit ang inyong cellphone. Hindi gaya sa F na walang requirements depende sa iyo kung kailan mo gagawin as long as hindi against sa Fb guidelines. Maraming advantages kapag sa Youtube ka magla-live.


1. PROMOTE YOUR CHANNEL

Dahil mahirap abutin ang 1,000 subscibers para ma-reach mo ang unang requirements ni YT, mapapadali o mapapabilis mo ito kapag pumapasok ka ng Live Streams at mangingisda ka. Ito ay isang paraan para mapaki mo ang iyong channel na walang kahirap-hirap. Hindi gaya nong walang live, hirap kaming palakihin at minsan napapalo pa kami ni Fb dahil sa walang pakundangang pag-share ng aming mga link. 

Napaka effective ang Live Streaming sa pangingisda at pag-iipon ng mga organic friend. Sino yong mga organic friend? Sila yong manood ng mga videos mo na walang pakialam kung maganda o hindi. Maganda man ang pagka-edit o hindi, andiyan pa rin sila nanood sa mga videos mo. Sila din ang #1 fan mo sa iyong mga live streams sessions.

2. SUPERCHAT AND SUPER STICKERS

Kung ikaw ay monetized channel, kikita ka sa mga palipad ng iyong mga viewers. Supporters mo man sila o mga gustong i-promote ang mga channel nila. Malaki ang maitutulong nito sa iyong revenue kapag nakarami ka. Kaso lang, halos 40% ang ibabawas ni Youtube nito na service charge kaya kung ikaw din ay mahilig magpalipad, tabla lang din o minsan nalulugi kapa.



3. MEMBERSHIP

Kung mayron ka ng JOIN button, karamihan sa mga gustong magpa-member ay during Live Stream dahil ma-acknowledge sila at didikitan sila nong mga taong nandon sa iyong live. Again, halos 40% din ang kukuning service charge ni Youtube nito kaya balewala lang din kung mahilig ka ring mag join sa ibang channel.



4. MEET NEW FRIENDS FROM ALL-OVER THE WORLD

Kahit hindi tayo makakalabas palagi dahil sa pandemic, nakakasalamuha at nakakakilala pa rin tayo ng mga bagong kaibigan. Ang kagandahan, mula pa sila sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Hindi magkaparehong culture at hindi magkaparehong ugali pero magkapareho ang minimithi, magtulungan para palaguin ang samahan at lumaki ang revenue.

5. FACE TO FACE INTERACTION

Kapag marami kang organic friends, siguradong mami-missed ka nila kaya kailangan mong magpapakita once in awhile. Pwede mo silang kumustahin during Live Stream lalo na yong hindi ka connected sa kanila sa mga social media account. Kung hindi lang confidential issue at pwede pag-usapan on live pwede nyo itong gawin para kahit papano pwede kang kumita mula sa participation ng iyong organic friends, family and even your real friends.

6. LIVE Q&A

Isa sa magandang gawin din sa LS ay ang pagsagot ng mga Live katanungan. Mas madali ito at pwede kang gumamit ng mga supporting documents or proof gamit ang iyong mga kakayahan lalo na pagdating sa OBS, Zoom at Streamyard. Mas madali lang mapaliwanag sa mga nagtatanong ang tamang sagot ng kanilang mga tanong. Isa ito sa mga gusto kung gagawin panahon ng aking live stream.

Kung sakaling mayron kapang kaalaman na hindi nabanggit sa itaas. Pakisuyong i-comment ito sa ibaba. We are so happy para sa contributions nyo para magagamit natin gabay sa ating journey dito sa online world.


Much love and May God bless us all. Keep safe everyone.

Post a Comment

18 Comments

  1. Mabuhay and more power smoso/organic family

    ReplyDelete
  2. Im happy and contended (tama ba)hahaha sa aking upload video less talk, esp due to my health condition.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yan na nga nasa isip ko ngayon mam cheerz dapat health wise na tayo...mahirap magkasakit tapos wala tayong pampagamot.

      Delete
  3. Im happy and contended (tama ba)hahaha sa aking upload video less talk, esp due to my health condition.

    ReplyDelete
  4. Once in a while you can still do LS. Just to share some words with your supporter. But in terms of pure revenue, lets stick with uploads. Tama ba kuya? Sana okay

    ReplyDelete
    Replies
    1. Inggit ako sa galing mo mag english bro...sana OK...hehehe tama yon bro, once a week nalang siguro mag LS para hindi nyo ako ma miss pero mayron akong plan, gagawa tayo ng separate LS para sa lahat ng organic family sa zoom lang hindi live gagawin para hindi mahihiya. Hehehe

      Delete
    2. Haha nosebleed kaayo ko. Gicopy paste ni Kape or original? Hehehe 😂✌️

      Delete
  5. I hate camera and talking bossing..still I will choose uploads.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala, mao diay permi kang layo sa kamera...hehehe

      Delete
  6. Upload nlng aq host no pressure,,no stress no sakit s pwet at no sakit s lalamunan 😂

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana ako din. Hehehe kaso ayaw nyo naman hindi ako magpapakita sa inyo.

      Delete
  7. Dami ko natutunan
    Myla marie silva here

    ReplyDelete
  8. Salamat sir sa iyong wakang sawa na pag bibigay ng kaalaman saamin lalo na sakagaya ko walang alam sa mundo ng yt Godbless you po

    ReplyDelete
    Replies
    1. walang anuman mommy, salamat din sa walang sawang suporta.

      Delete
  9. Indeed! Another On point blog, bossing!!

    ReplyDelete