Isa sa mga obligasyon at palatandaan ng isang organic na kaibigan ay ang gayahin kung ano man ang ginawa ng kaibigan mo sayo. Alam kung marami akong organic na kaibigan, sila yong nanatili sa aking tabi kahit ano paman ang mangyayari - for better or for worst. Pero hindi rin natin maipagkaila na marami din ang nakikisakay lang at gustong tumanggap ng ayuda na akala mo nadaanan ng bagyong Rolly at Ulysses.

I hope you know what I mean. We are belong to small Youtubers, kaya kailangan natin ang bawat isa para lumaki at syempre alam na this. Bakit mayron talagang mga taong gustong makaisa, imbes na marunong tumulong sa kapwa. Well, sa una at pangalawang dalaw maaaring mapapatawad kapa pero kapag nakarami kana, siguradong magsasawa din sila sa kakasuporta sayo.

Ang masaklap dyan baka ang lahat ng viewers mo ay mula sa mga organic na kaibigan mo tapos kapag napuno ana sila, baka magigising ka nalang na wala kana palang viewers. Baka nasa huli na ang lahat noong magising ka. Paano na ang mga pinapangarap mong channel at paano na ang kita mo? Nahihirapan kana nga abutin ang minimum threshold tapos ngayon mawawalan kapa ng organic na kaibigan?

I'm calling all SMOSO family to apply our "unspoken word" na mababasa nyo sa title ng aking blog ngayong araw. Although, isa ako sa mga small Youtubers pero atleast mayron na akong regular viewers na palaging nanonood sa aking mga content kahit sobrang luma na. Pero nakuha ko pa ring bumalik sa mga dumadalaw sa akin na mga SMOSO family. Hindi nga lang agad-agad dahil sa sobrang dami din, kaya late ko ng mapuntahan ang iba.

I am concern those na nag-uumpisa palang at wala pang kakayahan na makikipagsabayan sa ibang mga small Youtubers na unti-unti ng lumalaki ang mga bahay. Kaya please balikan natin ang mga taong dumadalaw sa atin lalo na sa mga monetized channel. Malaking tulong ang pag-apply sa ating unspoken word.

Hindi man ganun kalakihan ang kikitain pero atleast mayrong pumapasok araw-araw. Kung maiipon nyo ito, hindi imposible na makukuha nyo rin ang sahod nyo sa susunod na mga buwan. Treasure your friends! Saka na kayo lumayo kung gugustuhin nyo man kapag kaya nyo ng tumayo sa sarili ninyong mga paa.

Huwag muna magmayabang kung wala kapa namang napatunayan. Marami ngang may napatunayan pa pero mababa pa rin at gumagawa pa rin ng mga basic things na gawain ng isang organic na kaibigan. Magsipag at magtitiyaga muna bago mo maisipang huminto sa pagwa-YT dahil hindi pala madali.

Anyway, maintain your momentum para hindi kayo mawawalan ng gana. Sayang ang mga nasimulan nyo na. Lalo na sa mga monetized channel...laban lang!

Much Love and God bless us all. Keep safe everyone!