Nakakapanlumong pagmasdan, nakakapanindig balhibong pakinggan! Yon ang nararamdaman ng karamihan habang pinagmasdan ang mga larawan kuha ng ating mga kababayan na nakatira mismo sa lugar kung saan hinagupit ng bagyong ULYSSES. Bukod sa mga larawan, nagiging viral din ang mga recorded audio na nanghihingi ng tulong o rescue mula sa kung sino mang makakarinig. Sobrang dilim ng paligid kaya hindi mo maaninag kung kanino at saan nanggagaling ang mga boses na iyon.
Masakit sa damdamin na makita at marinig ang mga paghihirap na dinanas ng ating mga kababayan. Animoy wala talagang magagawa upang iligtas ang sarili at ang mga pamilya nila. Minabuti kung huwag nalang manood at maghalungkat sa aking newsfeed para hindi ako masyadong apektado sa mga pangyayari ngayon sa atin paligid.
Kanino ba dapat isisi ang ganitong mga pangyayari? Sa gobyerno ba? Sa Diyos? O sa ating mga sarili? Walang perfekto sa mundo, alam ng lahat yan pero nagiging mapaminsala ang kalikasan ngayon dahil na rin sa kagagawan nating mga tao. Walang ibang masisi dito kundi tayo din mismo.
Sa ba galing ang mga kagamitan natin sa bahay? Saan ba galing mga pagkain natin? Saan ba tayo namalagi kapag may pera? Lahat ng ating galaw ay umuasa sa makabagong teknolohiya at nagustuhan natin yon dahil mas naging madali nalang ang pamumuhay natin sa pang araw-araw. Pero lingid sa ating kaalaman, nagiging mapaminsala na pala tayo sa ating kalikasan.
Sa palagay natin mayron ba tayong pwedeng sisihin dito bukod sa ating sa mga sarili? Hindi kaba gumagamit ng kahoy sa iyong bahay? Para hindi mabawasan ang ating mga kakahuyan sa kabundukan? Hindi kaba nagtatapon ng basura kahit saan para hindi bumara ang mga kanal at daluyan ng tubig? Hindi kaba gumamit ng cemento at buhangin para sana walang Quarrying ang mangyayari sa kahit saan?
Mas lalong hindi natin masisi ang Diyos dahil wala naman siyang kinalaman sa mga pangyayari sa mundo. Para saan ba ang pagsabi natin na "God is Love or God is Good"? Kung lahat tayo ay kanyang papahirapan? Para sa akin, ito ay hindi kagagawan sa isang maaawaing Diyos at puno ng pagmamahal.
Kahit ano paman ang paniniwala mo, sa panahong ito hindi natin kailangan manisi sa kung sino man. Kailangan natin ang pagtutulongan. Ano man ang maitutulong natin, gawin natin yan ng buong puso. Pero ang pinaka the best sa lahat, tumulong tayong ipagdasal ang lahat ng nasalanta na sana makakayanan nila ang lahat at magiging aral ito para sa atin na tumulong sa pagPRESERVE ng ating KALIKASAN dahil babalik din ito sa atin balang araw.
Let's help all families and individuals na sinalanta ni BAGYONG ULYSSES.
Much love and God bless us all. Keep safe everyone!
#BangonCagayanon #RescuePH #HelpCagayanValley #HelpIsabela #UlyssesPH #CagayanNeedsHelp #TuguegaraoNeedsHelp
13 Comments
Prayers for the victims of the typhoon tragedy.
ReplyDeleteLet's volt-in again in prayer bro
DeleteNkkpnindig blhibo mga nkikita ko kaawa tlga llo n mga bata
ReplyDeleteoo nga eh...hindi ko ma-imagine kalagayan nila.
DeleteAmen, bossing! Sending prayers🙏🙏🙏
ReplyDeletesama-sama tayo...
DeleteBossing..can we do small donations???
ReplyDeletewala akong contacts doon.
DeleteTama tlga sir Tau mga Tao Ang dpt sisihin s nangyayari s mundo
ReplyDeletesinisi ang Diyos tapos si satanas na siyang pakana, natutuwa...
DeleteYes kuya sakit sa dibdib panuurin ang mga naapektuhan ng bagyo tapos wala kang magawa para maka tulong😭
ReplyDeleteOo nga kaya di na ako nanood ng newsfeed ko sa FB.
Deletegrabe pala talaga ang nangyari sa bagyong un mas masahol pa kay yolanda at undoy
ReplyDelete