Marami na ang lumapit sa akin at nagtanong kung anong silbi ng GC bakit marami pa rin daw ang nagPM sa kanila ng mga link sa kanilang LS, premieres at pati new uploads. At pati din sa akin marami din ang nagPM ng kanilang mga link. Guys ginawa natin ang GC para doon natin i-share ang mga YT activities natin kaya hindi na kailangan na i-pm pa natin sa kahit kung sino ang mga link natin. Unless yong nagpm sa iyo ay pini-PM mo rin kung mayron kang bagong activities sa iyong channel.

Let's respect each other! Huwag nating pwersahin ang mga kaibigan natin para panoorin o puntahan ang mga link na sini-share natin sa kanila. Para fair, yon lang nagPM sa inyo ng link - sila lang din ang pasahan nyo ng link pero yong mga hindi ay huwag na nating guguluhin. Kahit ubusin pa natin ang ating messenger list sa pagshare ng link lalo na hindi kayo close hindi rin pupuntahan ang link mo. Ang masaklap dyan baka ma-charge pa kayo ng SPAM ni messenger.



Ang sekreto lang naman  dyan, suportahan natin ang mga pumpasok sa mga link o uploads natin. Kahit hindi mo yan i-PM siguradong pupuntahan ka nila. Hindi man agad-agad pero sigurado kapag nakita nila ang LEGIT COMMENT mo, babalikan ka talaga nila. Magiging organic ka muna bago ka makaasang magiging organic din sila sa iyo.

Hindi man masamang magshare pero kailangan lang nating respetohin ang privacy ng iba. Ginawa natin ang GC para doon natin i-share ang mga link natin kaya sapat na yon para doon nyo i-share. Kung walang pupunta sa iyong link within a week, malamang may mali. Kung hindi man sayo galing ang mali, malamang yong taong pinuntahan mo pero hindi marunong magbalik.

Other thing, iwasan nyo na ang pagbakas ng mga gasgas na salita na nakatoon na ang CCTV ni YT dahil maaring magdulot ito sa iyo ng gutom dahil wala kang kikitain kapag nabakbak ng spam words ang iyong comment section.

Be legit bago sila magiging legit sayo. Be organic bago sila magiging organic sayo. Dahil kung hindi ka legit at organic, siguradong hindi rin yan sila magiging organic at legit sayo. Iwasan natin ang hindi pagkakaunawaan. Kailangang marunong tayong rumespeto kung gusto nating respetuhin din ng iba.

Maraming salamat sa mga ORGANIC friends na nagiging legit sa bawat isa. Alam kung hindi madali ang YT journey natin pero kung ginawa natin ng tama at marunong tayong makinig at matuto, siguradong magiging madali nalang ito sayo.

Much love and God bless us all.