Iwasan ang Portrait Video | Youtubers Guide

Marami sa atin ang hindi talaga alam kung ano ba dapat ang wastong pagkuha ng mga videos na ina-upload natin sa ating mga channel. Para sa karamihang baguhan sa Youtube, walang pakialam kung anong pakiramdam sa mga nanonood ng kanilang mga videos. Habang tinitingnan ko ang aking mga lumang video na ako mismo ang gumawa, wala akong nakitang naka patayo ang pagkuha or naka-portrait. Wala akong alam kung ano yong portrait at landscape noon unang panahon na nag-umpisa akong mag-Youtube.

Ano ang kaibahan sa dalawa at saan sa dalawa ang maganda kung ikaw ay isang Youtuber? Well, ang dalawa ay parehong nakakakuha ng videos kaso ang iniisip natin ang quality at size ng videos na magagawa natin. Sa mga live sa facebook karamihan patayo ito dahil hirap silang kumuha habang nakahiga ang cellphone lalo na kung wala pa silang nabiling stand o gorilla pod.

Kung ang purpose mo sa pagkuha ng video ay hindi pang content sa FB at YT, pwede lang kahit naka-portrait pero kung i-upload mo ito sa iyong FB page para sa ad breaks at YT channel for monetization, kailangan naka-landscape ang inyong mga videos. Kung ang iyong video ay naka-landscape at full-wide ang size, mas marami pa rin ang manonood nito compared sa naka-portrait.

Ang pangit kasi panoorin yong mga video na mayrong black side sa magkabilang parte. Hindi na nga kagandahan ang video mo tapos ang liit pa, siguradong hindi magtatagal ang iyong mga viewers sa panood. Yong iba ang ganda ng thumbnail pero pagpasok mo sa loob, half screen pala -siguradong disappointed ka. Kung gusto mong dumami ang iyong viewers at subscribers, make sure na naka-LANDSCAPE ang inyong mga videos.

Ang portrait ay maganda lang kung larawan pero kung video, ang pinakamaganda ay ang landscape. Tapos mong mabasa ang guide na ito, iwasan mo na ang pagkuha ng mga portrait na video para mas dumami ang iyong viewers at syempre dadami na rin ang iyong subscribers.

Kahit hindi ka magaling mag-edit o raw vlog ang ginawa mo video, marami pa rin ang ganadaong panoorin ang mga content mo. Mahirap mang gawin sa umpisa dahil hindi ka sanay, for the sake of your viewers and your channel - please do it whole-heartedly.

Much love and God bless us all. Keep safe everyone!

Post a Comment

14 Comments

  1. Noong una wla din ako alm dyan noong di pko ng yyt kya ung mga kuha ko na nai uplod nka potrait mga lumang captured pa na video. Now i know kya landscape tayo hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako din walang alam pero bakit wala akong kuhang portrait? Hehehe

      Delete
  2. Alam na this oi..landscape para full screenoi.

    ReplyDelete
  3. Good advice po and good idea din po salamat sir Godbless you po

    ReplyDelete
  4. Salamat kuya sa tips...ganyan ako nung wala pa ko sa yt sa inyo ko lang din nalaman ang ganyan

    ReplyDelete
  5. Excellent vlogging tips, bossing! Didn’t know this beforehand. Hahaha. Mahihirapan mag landscape kapag mamalaki pa sa kamay mo ang phone. Medyo mabigat. Kalurke!

    ReplyDelete