Mga Pagkakakitaan Online Na Uso Ngayon

Kung napapansin nyo ngayon, marami na ang nagtatrabaho ONLINE kumpara noon. Bakit nahuhumaling ang karamihan na magtrabaho online kay sa makikipagkarerahan sa mga jeep, bus at pati sa train? Dahil mas relax ang magtrabaho online kay sa yong nasa opisina o sa work site. Ang pinakamaganda sa lahat, ikaw ang nag control ng oras mo. Walang amo na umaaligid sayo na laging nagmasid kung ano ang pinaggagawa mo habang nasa trabaho.

Marami akong experience sa pagtatrabaho. Kadalasan mahirap talaga ang magtatrabaho sa ilalim ng isang kompanya at kontrolado ng boss mo ang oras at sarili mo. Wala kang freedom. Sunod sunuran ka lang kung ano ang gusto nila dahil kung hindi naman, siguradong sa kangkungan ka pupulutin kinabukasan. Marami ang takot mawalan ng trabaho. Syempre saan kana aasa kung wala kang sahod at kanino ka manghihiram o manghihingi kaya mahirap talaga kung wala kang trabaho.

Sa panahon ngayon hindi na tulad nong dati na takot ang karamihan mawalan ng trabaho. Ito'y dahil, marami ng trabaho ngayon online na halos kapareho lang ang sahod sa mga taong nasa opisina at minsan nga mas mahigit pa. Alam mo ba kung anong pwedeng pagkakikitaan online? Kung hindi mo alam, sasabihin ko sa inyo ang iilan na maaring makaka-support sa pangangailangan mo o sa pamilya mo.

Paid To Click (PTC)
Nag-umpisa ang pamamayagpag ng Paid To Click noong year 2008. Isang website na binuksan na instant ang payout. Marami ang kumikita pero mas marami ang nalulugi tulad ko dahil tamad akong pag-aralan ang systema nila. Sa mga matiyaga, sila ang kumikita ng malaki. Kailangan lang para kikita ka ay meron kang pang invest para makabili o maka rent ng mga tauhan mo or referrals. Dahil nauuso ang investment, sinasamantala ng mga magagaling na manloloko. Nagbubukas sila ng mga website at ilang araw o buwan lang kapag lumalaki na ang kanilang pundo, bigla itong nagsasara. Kaya humina nag industriya ng Paid To Click. Isang website lang ang nanatili sa ngayon na masasabi nating stable dahil mag 10 years na itong tinatangkilik ng mga tao sa buong mundo lalo na mga Filipino.

Paid Surveys
May mga kompanyang nag-conduct ng mga surveys based po ito sa needs ng kanilang mga clients. Instead na gagawin ito sa bahay-bahay, ginawa ito online para mas mabilis makuha ang mga data galing sa iba't ibang uri ng tao. Bawat survey na masagot mo ng tama, meron itong corresponding amount na iki-credit sa account mo. Pag nakaipon kana ng $5 or $10, pwede mo na itong e withdraw trhough Paypal  at from Paypal papunta sa bank account mo. Mas malaki ang kikitain sa mga surveys kapag matiyaga kang pababalik balik at mag check sa account mo kung meron bang latest surveys. Ang kagandahan nito, hindi kailangan ng investment, libre lahat at sila pa ang magbabayad sayo pagkatapos mong magawa ng tama ang surveys nila.

Blogging
Marami ang nagiging bloggers ngayon kahit napakahigpit na ni Google Adsense pagdating sa screening nga mga adsense applicants. Bukod sa libre ang blogging kung ayaw mo ng customized na web address, mas mabilis ang kitaan dito lalo na kung sikat na sikat na ang blog mo. Importante lang ay may regular kang mga readers o followers sa blog mo para patuloy pa rin ang earnings mo sa iyong blog. Marami na ang mga guide at tips na pwede nyong matutunan online para magagamit mo rin sa pagpapalakas ng iyong blog. Importante lang hindi ka tamad magbasa at mag research.

Call Reviews
Umabot din ako sa mahigit dalawang taon na nag re-review ng mga calls at e categorize ito para sa US clients. Marami ang kumita pero marami din ang hindi. Kailangan lang kasi ng tiyaga lalong lalo na sa oras dahil gabi lang maraming trabaho pero kapag araw matumal. Marami na ding Pinoy ang natulungan sa iyon at hanggang ngayon patuloy pa rin silang tumatanggap ng mga online job seekers.

Virtual Assitant
Usong-uso din ito ngayon. Per project ang bayaran ang kadalasan ikaw ang nag control ng oras po. Although meron naman ibang employer na sila din lagi ang masusunod. Maraming pwede ipapagawa sayo ang iyong virtual boss. Dapat sundin mo para magkapera ka. Ang laki ng sahod ay depende din sa uri ng trabaho na ipapagawa sayo. Kapag mahirap gawin, syempre malaki din ang bayad non. 

Napakarami pang ibang online job na pwedeng pagkakikitaan sa mga taong tinatamad ng pumasok sa opisina o sa mga job site. Sa umpisa mahirap lalo na kung hindi mo pa kapa ang trabaho pero kapag nasanay kana, baliwala mo na rin ang trabaho mo at matutunan mo na rin itong mahalin. Para sa akin, mas gusto ko ang magtrabaho ONLINE para mas malapit ako lagi sa pamilya ko. Abangan nyo ang specific website na pwede nyong pagtrabahoan. STAY TUNE!



BLOGGING
Isa sa mga paborito ng mga SHY TYPE na tao ang paggawa ng blog. Isa itong uri ng passive income na madali lang kumita compared sa ibang mga raket online. Marami na ang kumikita at yumayaman nito bago paman nagiging sikat ang pagiging Youtuber. Gagawa ka lang ng isang blog at magsusulat ka ng mga articles or blog araw-araw at i-upload mo ito sa iyong blog. Hindi rin madali maghanap ng mga viewers na regular sa iyong blog pero kapag nakuha mo ang mga sekreto paano ka kumita dito, sure na kikita ka pagdating ng araw.

YOUTUBE/VLOGGING
Ito ang pinakasikat ngayon at halos lahat ng mga OFW ay nahuhumaling na sa pagawa ng kanilang Youtube channel at gumagawa ng content araw-araw. Kung wala kang magawang content, pwede kang mag Live Stream para magkakaroon ka ng content kaso kung habol mo ay pang future passive income mo, hindi effective na puro live streams nalang ang gagawin mo. 

Paano kung magsasawa kanang mag LIVE at mag-upload. Hindi naman lahat ng panahon ay palaging healthy tayo. Dumating din ang panahon lalo na kung medyo may edad kana. Habang may lakas kapa, mag-upload ka lagi araw-araw dahil kung sakaling darating man ang panahon na hindi mo na kaya, atleast marami kanang uploads at content na magbibigay sayo ng malaking passive income.

Marami ang kumikita sa Youtube basta nagawa mo lang ng tama kahit hindi ka artista. Hindi madali ang tatahakin mong journey pero kung matiyaga ka at masipag, aanihin mo ang magandang source of income sa hinaharap.

Post a Comment

10 Comments

  1. Im a small very small hahaha vlogger at yan ang aking pampalipas oras as of now..

    ReplyDelete
  2. na try ko na yang survey maganda din pakakitaan

    ReplyDelete
  3. Okey ..noted.wala akong talent sa ibang online na pagkakakitaan bossing.

    ReplyDelete
    Replies
    1. all things can be learn...wa man gani ta mag praktis aning minyo pero atoa gani gisudlan...hehehe

      Delete
  4. may ano pa kuya .. Data Entry, Online Scrapping, and designing .. hehehehe
    dati na rin akong nag o-online sayang nag change management ang Odesk to Upwork ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. pareho akong member sa dalawa...dumadami na ngayon...kaso hindi siya passive...

      Delete
  5. Gusto ko rin mg online kaso takot ako. Baka pgretire ko nlng or di kaya pag ready na talaga ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Habang may trabaho kapo mam, sideline mo nalang muna ang Youtube...saka kana mag fulltime kung retired kana

      Delete