Huwag i-Public Agad ang inyong mga Videos

Marami sa atin ang sobrang excited mag-upload sa ating mga bagong content at minsan nakakalimutan na natin na deretso na pala itong naka-public. Sa bagong policy ni Youtube ngayon, tsinitsek pa ni YT kung eligible ba ang iyong content sa ads. Hindi gaya dati na pagka-upload mo deretsong lalabas ang ads pero ngayon it takes up to 5-10 minutes pa bago lumabas ang dollar sign video natin sa studio.

Para hindi masasayang ang inyong mga views at watch hour, kailangan mo munang ilagay ang iyong video sa UNLISTED habang tinitingnan pa ni Youtube ito. Kung deretso mo kasi i-public, lalabas agad ang notification nito sa iyong mga subscribers at agad silang pupunta at manood. Yong mga organic friends mo, hindi agad ang content ang mapapansin kundi ang ads bakit walang lumalabas kaya niri-refresh pa nila bago mag-umpisang manood pero kung hindi organic walang paki-alam kung may ads or wala.

Kapag lumabas na ang dollar sign sa iyong video doon sa iyong studio, saka mo na ito i-public dahil sa pagkakataong yon, lahat ng pupunta sa kanilang notification at panoorin ang video mo, mahaharangan na sila ng ads. Alam naman natin kapag mayrong ads may pera, kung walang ads naman watch hour lang makukuha mo pero walang pera. Kaya ugaliing ilagay muna sa unlisted bago i-public. Pinaka-madali 5-10 minutes lalabas na yan.

Kapag nakita ni Youtube na nag-follow ang video mo sa mga guidelines at lahat ng mga uploads mo sa nakaraan araw walang problema, mag-automatic na si Youtube sa pag-approved at instant na ang iyong dollar sign at ads.

Kaya bago nyo i-public ang inyong mga new uploads, siguraduhing lumabas na ang dollar sign para mag-umpisa na agad ang iyong money counter. Huwag hayaang may masasayang na views at hindi mauuwi sa puro nalang watch hour. Aanhin mo yong watch hour kung wala naman pera sa likod nito. Hindi po tayo nagiging vlogger dahil sa watch hour, nagiging vlogger po tayo dahil sa maaaring kikitain nito.

Sa mga hindi pa alam tungkol dito please check out your way of uploading videos. Baka isa din yon sa dahilan kung bakit maliit lang ang kinikita mo dahil hindi mo nasunod ang correct way of uploading videos.

Much love and God bless us all. Keep safe everyone!

Post a Comment

19 Comments

  1. Yes ganyan nga gngwa ko pag na upload na after 10 to 15 mins ko pa ih on ang ads tpos i unlisted ko para nktmbay lahat nkreserba anytime i public ko ok na clik nlng

    ReplyDelete
  2. Kabantay bitaw ko ani sa dollar sign.noted

    ReplyDelete
  3. Yes po ganyan din tinuro ni madam spayra sakin kaya ganyan na gawa ko.

    ReplyDelete
  4. Nagawa ko po ito minsan upload agad excited ba hahahaha pero mula ng sinabihan ako ni sis cheerz dlatorre na unlisted ko muna un ginagawa ko.. salamat sainyo sir at salamat sis cheerz dlatorre 😘😘❤❤💃

    ReplyDelete
  5. Ok doki salamat sa paalala bossing

    ReplyDelete
  6. Salamat sa tips na ito. This is really helpful to youtubers. Sunrise

    ReplyDelete