Consistent ay isang katagang madaling sabihin pero mahirap gawin. Gaya nalang sa ating paglalakbay dito sa Youtube. Karamihan sa atin, inumpisahan ang journey dito at umaasang kikita pagdating ng araw. Marami ang makapagpatunay na mayrong pera sa Youtube kaso hindi lahat ng Youtuber ay kumikita. Sino lang ba yong kumikita dito? Sila yong mga taong nagpo-porsige at hindi huminto.
Hindi madali ang pagiging isang Youtuber or vlogger. Marami kang pagdadaanan araw-araw, kung hindi kapa monetize kailangan mong harapin ang hirap sa pag-abot ng 1,000 subscribers at 4,000 watch hours. Kung ikaw ay monetized na, kikita kana ba? Of course hindi pa, kailangan mo pang mag-upload ng mag-upload ng iba't-ibang videos or content dumami ang views mo at siyempre lalaki ang watch hour. More ads viewed more money will come in.
Sa iyong palagay, madali lang ba gumawa ng content? Marami ang nagsasabing madali pero mas marami din ang nagsasabing hindi. Yes pwede kang mag-upload ng kahit ano pero kung ang goal mo ay makakuha ng maraming viewers, kailangan mong pagandahin ang iyong uploads. Hindi madali ang pagawa ng magandang content lalo na kung hindi ka marunong mag-edit ng mga videos.
Siguro ayaw nating mag give-up ng ganun-ganun nalang. Karamihan sa ating mga Pinoy hindi talaga madaming mag-give up sa kahit ano pamang hamon sa buhay. Pero hindi rin natin maiiwasan na marami ding mga Pinoy na mahilig lang mag-umpisa. Pagdating sa kalagitnaan ng paglalakbay bigla nalang ito susuko. Sa pagalagay mo, tama bang susuko nalang ng ganung kadali kung kailan malapit kana sa inaasam-asam mong tagumpay?Marami sa atin ang nahihirapang harapin ang pagiging consistent sa kung ano man ang ating kasalukuyang ginagawa. Kung dati excited kang gumawa ng content para mayron kang pang-upload araw-araw, ngayon nawawalan kana ng gana upang ipagpatuloy ito. Sa iyong palagay, makakamit mo kaya ang inaasam mong kita o kung ano man yang gusto mong makuha pagdating ng panahon sa iyong channel?
Minsan kailangan nating i-push ang sarili natin para magpatuloy. Hindi masama kung ikaw na mismo ang gagawa noon. Dahil kung mag-aantay kapa na mayrong mag-push sayo eh baka yong inaasahan mo sila pa ang mag-push sayo para mag give-up. Be consistent sa kung ano ang nasimulan mo na. Huwag agad-agad mag-give up. Laban lang para sa magandang kinabukasan.
Hangga't wala kapa doon sa o hindi mo pa na-reach ang goal mo, tuloy-tuloy lang ang pagawa ng mga content at upload agad ito sa iyong Youtube channel. Kasi kapag huminto kana at wala kapang regular na viewers at kita, mawawala lang ang pinaghihirapan mo.
Much love and God bless us all. Keep safe everyone!
9 Comments
Agoy..igo ko ani..i.will push and push myself bossing.thank you
ReplyDeletepush pa more
DeleteHahaha buklan lage haha
DeleteSalamat kuya miss you
ReplyDeletewelcome ng marami
DeleteAkoy nkkrmdam n ng sabi nuo nga noong una excited ngaun hindi na ... hahaha im on that position right now... pero as u said bossing go lng ng go kya yes! Go go go hahaha
ReplyDeleteYes, ganun talaga minsan lalo na kung hindi natin nakuha agad ang expectation natin.
DeleteVery well said Bossing kaya GO FOR GOLD haha LABAN LABAN WAG BABAWI BAWI
ReplyDeleteHahaha laban o bawi ang resulta
Delete