From the word "REUSED" na ang ibig sabihin ay ginagamit mo uli ang isang bagay o content na maaaring pagmamay-ari mo o pagmamay-ari ng iba. Pero mostly applied ito sa mga content na hindi talaga pag mamay-ari mo, niya o natin na inapload muli sa iba't-ibang channel. Isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming channel sa Youtube ang hindi agad na monetized. Once na-detect ng system ni Youtube na re-upload ang video mula sa ibang channel or ibang social media account, agad nya itong i-flagged na REUSED content.
Hindi naman totally bawal mag re-upload ng isang content na pagmamay-ari ng iba kapag ito ay may pahintulot mula sa owner ng content na yon at isa pa hindi dapat 100% copied then re-upload na agad. Kailangan mong baguhin ang content na gusto mong i-reupload for educational purposes. Iwasan ninyong manguha ng content ng iba na walang paalam or hindi man lang naka-credit sa content mo ang totoong nag mamay-ari ng content. Kung impossible to reached out the owner, atleast makikita ng real owner na naka-credit ito sa kanya.
Dapat din tayong mag-ingat sa pag re-upload ng mga content na viral at wala kayong ginawang pagbabago if your purpose is to educate your viewers. Mas lalo din kayong mag-ingat sa mga content na galing sa mga sikat na mga Radio and TV Stations na mayron din silang Youtube channel. Like what I said, bukod sa credits at courtesy, kailangan nyong baguhin or mayrong kang binago para hindi ma-violate ang policy ni Youtube with regards to monetization.
Sa susunod kung post, pag-uusapan natin ang tungkol sa DO's and DON'Ts ni Youtube para sa Channel Monetization. Hindi po enough na mayron kang uploads at na meet mo ang primary requirements ni Youtube na 1,000 subscribers at 4,000 watch hours at siguradong papasa kana at magiging monetize na ang channel mo.
ABANGAN bukas ang mga acceptable ni Youtube pagdating sa mga content na hindi natin pag mamay-ari at i-reupload natin for educational purposes sa ating mga viewers.
Much love and May God bless us all. Keep safe everyone!
8 Comments
Dapat original at walang halong kemikal awww
ReplyDeleteakala ko dapat organic na walang halong kemikal bro..
Deleteung relaxing music ko may paalam un sa me ari at tlgng free ang kapalit lng ay mag subs s knya hahahaha... never pa ako nka exp ng reused content
ReplyDeletewow sana all
DeleteDili nalang jud mah reused gud bettrr to used original na video na gawa talaga sayo para hindi mapahamak.
ReplyDeletemas maganda mag reused minsan para mas madali.
DeleteTalagang di applicable ky YT ang Recycling. Buti nga di ginawang reused content tong mga mukha pabalik balik na lang magLS. Kaya takot ako magLS baka maya maya reused face ang hatol sakin ni lolo hahaha
ReplyDeleteButi nalang hindi na ako nag LS...hahahha
Delete