MGA DAPAT IWASAN PARA HINDI KA MA FLAGGED NA REUSED CONTENT

Marami ng na-flagged ni Youtube na reused content at kasama na ako doon. Mayron kasi akong isang channel ni-reupload ko yong mga video ko mula sa Facebook Adbreaks kung saan mga compilation yon ng mga viral videos na ini-edit namin noon. Hindi ko rin naman inaasahan na isa sa mga video na ni-reupload ko ay magiging suggested ni YT kaya sa hindi inaasahan pangyayari, agad bumulusok ang views, subscribers at watch hour.

Kaya sa loob lamang ng tatlong araw, nakuha ko na agad ang required subscribers at sobra-sobra pa ang watch hour. Inaasahan ko na talaga na ma-reused content ako dahil nga doon sa mga content na uploaded sa channel na yon. At yon nga, tulad sa inaasahan ko REUSED CONTENT nga ang hatol ni Youtube sa aking application. Kaya na denied ang aking monetization application.



Ganun pa man, hindi ko pwede burahin ang mga videos na naging dahilang kung bakit ako na flagged na reused content dahil yong mga videos na yon ay patuloy pa rin ang pag-gain nito ng subscribers. Hinahayaan ko muna itong makakuha ng maraming subscribers at kong kung sakaling huminto na ang pagpasok ng subscribers, saka ko na idi-delete. Kasalukuyang nasa 5.2K na ang aking subscribers sa channel na yon at araw-araw mayron pa ring nadagdag na 30-50 ssubscribers. Sayang din naman kung buburahin or itatago ko ang videong ito. Hinahayaan ko lang muna habang pinaparami ko pa ang subscribers while inasikaso ko ang iba ko pang channel at ang aking blog.

Anyway, pag-uusapan natin ang mga videos na maaaring ma-flagged ni Youtube na reused content para magka-idea yong mga hindi pa alam at yong mga baguhang Youtubers. 

DON'T

Examples of what is not allowed to monetize

Short videos you compiled from other social media websites

Collections of songs from different artists (even if you have their permission)

Clips of moments from your favorite show edited together with little or no narrative

Content uploaded many times by other creators

Promotion of other people's content (even if you have their permission)

Para maiwasan ang reused content, huwag tayong magcompile ng mga short videos mula sa iba't-ibang social media gaya ng Tiktok at iba pa.  Pero ginawa mo ito for educational purposes na mayrong kasamang audio, maari itong makapasa kay YT.

Huwag ding gumawa ng collection of songs. Ginawa parang album at ni-reupload. Kahit may pahintulot sa artist or sa recording company, pwede pa rin kayong ma-flagged ni YT dito.

Iwasan din nating mag upload ng mga clips mula sa mga tv shows at favorite movies  tapos walang narration. Yong tipong pinagdugtong-dugtong lang at walang voice over, pwede pa rin kayong ma-reused.

Viral videos na hindi na mabilang ang pag-reupload nito sa kahit saang social media specially sa mundo ni YT. Kung sakaling gagawa kaman, kailangan mo ng matinding edit techniques.

Pagpo-promote ng ibang content kahit may pahintulot ay mahigpit ding binabawal ni YT. Kaya mara makaiwas sa reused content, mabuting sundin natin ang mga ipinagbabawal.

Post a Comment

7 Comments

  1. Replies
    1. Tama...pero usahay tapol is real man...maski ako igo ani. Hehehe

      Delete
  2. Ah kaya pala biglang naglaho c JWNews hehehe alam na this 🤔🙊

    ReplyDelete
  3. Plano ko sanang gumamit ng creative common na video pero gagamitin ko as visual aid lang. Kailangan ko ng video para ma explain ko yung sinasabi ko para madaling maintidihan ng viewers. Pwede po kaya iyon? Hirap kasi akong kumuha ng video mismo ng ieexplain ko. Salamat po bossing. Sunrise

    ReplyDelete